Matapos tumila ang ulan, naging mas kalmado na ang paligid, at ang hangin ay may dala pa ring nakaka-relax na amoy ng basang lupa.Kakatayo lang ni Lori mula sa kanyang upuan sa lobby nang kalabitin siya ni Ellaine taglay ang pamilyar nitong sigla.“Uy, Lori! May alam akong new place na nag-va-viral ngayon sa TikTok. Tambay muna tayo sandali! Malapit lang dito ‘yon. Dalawang kanto lang mula dito sa office. Tutal tumitila na rin naman ang ulan,” masayang aya nito.Nag-atubili si Lori, pero nang makita ang masayang mukha ni Ellaine, sa huli ay tumango na lamang siya.“Sige. Sa tingin ko kailangan ko rin malibang. Baka gumaan ang pakiramdam ko kapag pumunta tayo roon,” mahina niyang sabi.Hindi nagtagal, lumabas na sila ng lobby ng kumpanya, na nagsisimula nang mabakante dahil karamihan sa mga empleyado ay nakauwi na.Isang linggo pa lang na bukas ang café na pinuntahan nila. Moderno at naka-style ang interior nito, may mga chandelier na hugis bulaklak, at ang amoy ng kape at caramel ay h
続きを読む