"Why do you look nervous?" tanong ni Weston, nagkukunwaring hindi alam ang dahilan ng pagkabalisa ni Lori."Hindi ako kinakabahan, Dad. Normal lang ito," sagot naman ni Lori, sinusubukang umasta nang parang wala lang.Ayaw niyang malaman ni Weston, o nino man, ang tungkol sa kanyang collection. Siyempre, hinding-hindi niya maaatim ang hiyang mararamdaman kung matuklasan nito ang side na iyon ng kanyang pagkatao, kahit pa may sapat siyang dahilan kung bakit niya itinago ang mga gamit na iyon."Kung ganoon, hayaan mo na si Manang Andeng na magpautos sa iba na magligpit ng gamit mo para pag-uwi natin, hindi mo na kailangang gawin iyon nang mag-isa. Ayaw kitang mapagod, love," mungkahi ni Weston, kahit alam niyang hinding-hindi papayag si Lori.Hindi masama ang loob ni Weston tungkol sa collections nito, pero nauunawaan niya kung bakit gusto ni Lori na manatili itong private. Sa huli, ayaw lang mapahiya ni Lori. Sa kanilang kultura, ang mga ganoong bagay ay itinuturing pa ring bawal o tabo
Read more