Pagkatapos nilang magkausap, naglakad sila sa paligid ng hotel room. Nakahawak pa rin ang kamay nila, at bawat titig ay puno ng lambing. “Ang saya naman dito,” sabi ni Samantha, habang tinitingnan ang malinis at maliwanag na kuwarto. “Oo,” sagot ni Bren, at ngumiti. “Parang para lang sa atin.”dagdag pa niya. Umupo sila sa maliit na sofa malapit sa bintana. Pinanood nila ang lungsod sa ibaba, ang mga ilaw na kumikislap, at ramdam ang katahimikan. Hindi kailangan ng maraming salita ang bawat sandali ay sapat na para maramdaman nilang ligtas at masaya sila. “Alam mo,” simula ni Samantha, “parang gusto kong manatili dito ng matagal… kasama ka lang.” Ngumiti si Bren. “Gusto ko rin iyon. Basta tayo lang.” sagot nito. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga simpleng pangarap kung saan nila gustong magbakasyon, kung paano nila gusto palakihin ang anak nila, at kung ano ang mga maliliit na bagay na nagpapasaya sa kanila. Wala nang selos, wala nang drama, puro tawanan at lambing. P
Last Updated : 2026-03-01 Read more