Jenyfer “May reklamo ka ba, ha, Alfonso?” masama ang tingin na saad ni Rhys sa kaniya. “Boss, kasi pangatlong balik na namin ‘to,” reklamo niya pero may ngiti pa rin sa labi niya kahit nagrereklamo na siya. "Dalhin niyo muna 'yan sa kotse," seryoso sabi ni Rhys, sa bitbit nila Kuya Sameguil kaya mabilis akong napalingon sa kaniya. Hinawakan ko ang braso niya. “Rhys! Tama na ‘yan. Aba sobra na ‘to nahihiya na ako dami mo na ginastos dito sa mga gamit ko,” saad ko ngunit tamad n'ya lang akong tiningnan. Naiiling pa ako sa paraan ng titig n'ya kasi parang nagtataka ano naman kaya nakagugulat doon sa pagsuway ko sa kaniya e, totoo naman marami na siyang binili may balak pa yata after nito. “Why?” maya-maya tanong n'ya. “Anong why? Need mo pa ba itanong iyon kwentahin mo nga ang mga nagastos mo para mag-why, why ka pa r’yan!" wika ko kinapatda ko. Saglit s'yang natahimik. Tapos bigla niyang hinawakan ang baba ko at tinaas ng kaunti para magtama ang mga mata naming dalawa.
Leer más