Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lamig na nararamdaman ko ngayon. Habang nakatingin ako sa salamin, hindi ko na makilala ang babaeng dati ay umiiyak dahil sa pag-ibig. Ang pitong buwan kong pananatili sa Dubai, mag-isang hinaharap ang hirap ng pagbubuntis ay talagang nakapag pabago ng emosyong nararamdaman ko. Nang pumasok si Sebastian sa sala ng villa ni Ahmed, hindi ako tumayo. Nanatili akong nakaupo, nakadekwatro, habang dahan-dahang humihigop ng tsaa. Ang maluwag kong suot na Abaya ay sapat na para itago ang aking tiyan na pitong buwan na. Sa paningin niya siguro, tumaba lang ako dahil sa ganda ng buhay dito. "Hana," tawag niya. Kung ipapaliwanag ko ang boses ni Sebastian, ito ay tila basag at puno ng pangungulila. Tumingin ako sa kanya ng walang ni isang kislap sa mga mata ko. Walang galit. Tanging kawalan lang ng pakialam. "Ano pang ginagawa mo rito, Mr. Valderama? Hindi mo ba nakikita? Busy ako." "Hana, pakinggan mo ako," lumapit siya, sinubukan niyang hawaka
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-02-12 อ่านเพิ่มเติม