เข้าสู่ระบบTumutulo ang malamig na pawis sa noo ko habang naglalakad sa mahabang hallway ng ospital. Amoy gamot, amoy kalungkutan. Pero para sa akin, amoy kaligtasan ito. Hawak ko ang resibo mula sa billing office. Bayad na ang operasyon ni Tatay. Ligtas na ang buhay niya.
Pero sa loob-loob ko, parang unti-unti akong namamatay. Bawat hakbang ko, nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa aking katawan, palatandaan ng gabing ibinenta ko ang sarili ko kay Sebastian. "Hana! Salamat sa Diyos!" bungad ni Nanay pagkakita sa akin sa labas ng ICU. "Saan ka kumuha ng ganito kalaking pera? Sabi ng nurse, may nag-deposito raw ng limampung milyon sa account ng ospital para sa tatay mo!" Napalunok ako. Hindi ko kayang tingnan si Nanay sa mata. "M-mabait po ang manager ko, Nay. Binigyan ako ng loan. Huwag na po kayong mag-alala." Isang malaking kasinungalingan. Alam kong hindi ako pinalaki ng magulang ko para magsinungaling pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ko kayang sabihin sa kanila kung saan ko nakuha ang perang iyon. Eksaktong alas-onse ng umaga nang ilabas si Tatay sa Operating Room. Sabi ng doktor, naging matagumpay daw ang operasyon. Para akong nabunutan ng tinik na matagal nang nakabaon nang marinig ko iyon, pero agad namang napawi ang ngiti sa mga labi ko nang tumingin ako sa likuran ko, nakita ko ang lalaking hinihiling kong sana ay hindi ko na makita pang muli. Lord, ano ang gagawin ko? Paano kung malaman nila Tatay ang mga nangyari? Paano nila matatanggap 'yon? "Anong ginagawa mo rito?" pabulong kong tanong nang makalapit siya. Hinila ko siya sa isang sulok kung saan walang makakakita sa amin. "Bakit ka umalis ng walang paalam?" diretsahang tanong niya. Walang paligoy-ligoy. Ang boses niya ay parang kulog sa pandinig ko at ang mga kilay niya ay nagsasalubong na.. "Akala mo ba, matapos ang nangyari kagabi, hahayaan lang kitang pumunta?" "Sebastian, please... hindi ito kung saan lang, ospital ito, atsaka bayad na ang utang ko. Nakuha mo na ang gusto mo. Hayaan mo na kami ng pamilya ko," pagmamakaawa ko. Ngumisi siya ng nakakaloko. "Are you f*cking kidding me? One night is not enough for a f*ckin' fifty million. At isa pa, hindi mo ba alam? Ang kumpanya ko ang nag mamay-ari ng ospital na ito. Kahit saan ka pumunta, mahahanap at mahahanap kita." Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakalimutan ko. Si Sebastian Valderama ay hindi lang basta bilyonaryo kun'di isa rin siyang hari sa lungsod na ito. Bago pa man ako makasagot, narinig ko ang boses ni Nanay. "Sebastian? Ikaw ba 'yan, anak?" Lumingon si Sebastian at biglang nagbago ang expresyon ng mukha niya. Ang kaninang parang halimaw ay biglang naging maamong tuta. "Opo, Nay Marta. Nabalitaan ko po ang nangyari kay Tatay. Nandito po ako para tumulong." Niyakap ni Nanay si Sebastian. "Napakabuti mo talagang bata. Alam mo ba, si Hana ang gumawa ng paraan para sa perang ibiniyad namin sa operasyon ng tito mo, pero laking pasasalamat namin na nandito ka." Tumingin sa akin si Sebastian habang yakap si Nanay. May mapang-asar na kislap sa kanyang mga mata. Kumindat din ito na akala mo'y walang pupwedeng makakita sa'min. Tang*na naman, Hana, kontrolin mo naman ang iyong nararamdaman. Kindat lang 'yan tas nagkakaganyan ka? "Gagawin ko po ang lahat para sa pamilya niyo, Nay Marta. Itinuring ko na kayong sariling dugo... lalo na si Hana na para ko na ring kapatid." Namula ang pisngi ko at nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang 'yan Gusto kong sabihin kay Nanay na ang lalaking niyayakap niya ang nakakuha ng aking pagkababae kagabi. Na ang lalaking ito ang kumuha ng dangal ko kapalit ng buhay ni Tatay. Pero nanatili akong pipi. Ang bawal na nangyaring iyon ang kailangan naming kalimutang pareho ni Sebastian ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko kung siya mismo ay ayaw tumigil? "Nay, kailangan ko na pong umalis," Tumingin ito saakin sabay sabing "Hana, pwede mo ba akong samahan?" Tumingin ako ng bahagya kay Nanay, "Sige, Sebastian. Maraming salamat!" sagot ni Nanay na puno ng tiwala. Wala akong nagawa nang hawakan ni Sebastian ang braso ko at hilingin akong maglakad palabas. Pagdating sa loob ng kanyang mamahaling kotse, mabilis niyang nilock ang mga pinto. "Anong balak mo?" galit kong tanong. "Hindi ka uuwi sa inyo," malamig niyang sabi habang pinapatakbo ang sasakyan nang mabilis. "Mula ngayon, sa penthouse ko na ikaw titira. At magiging personal assistant kita sa umaga... at alam mo na kung ano ka sa gabi. Naiintindihan mo ba?" "NO! Para mo na kaming pamilya, Sebastian! Itinuring kang anak ni Tatay!" Bigla niyang itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Humarap siya sa akin, ang mukha niya ay puno ng galit at pagnanasa. "Pamilya? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Hana? hindi tayo magkadugo. At pagkatapos ng ginawa natin kagabi, sa tingin mo kapatid pa rin ang turing ko sa'yo? Binili kita, at gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko kung ayaw mong bawiin ko ang lahat ng tulong na ibinigay ko sa tatay mo." Napaiyak na lang ako. Ang bilis ng mga pangyayari. Sa loob ng dalawampu't apat na oras, mula sa pagiging isang simpleng waitress, naging pag-aari na ako ng isang lalaking dapat ay itinuturing kong kapatid. Wala akong takas. Dahil sa bawat bilis ng takbo ng sasakyan ni Sebastian, palayo rin kami nang palayo sa buhay na aking kinagisnan. Papasok kami sa isang mundo ng bawal na pag-ibig, lihim, at panganib. "Ihanda mo ang iyong sarili at kung pwede ay aki tikom na rin ang bibig mo. " bulong niya habang muling pinapatakbo ang kotse. "Sinisigurado kong hinding-hindi mo makakalimutan na akin ka." Ang bawat pag-ikot ng gulong ng mamahaling sasakyan ni Sebastian ay parang pagpako sa aking tadhana. Nakatingin lang ako sa bintana, ang mga pamilyar na kalsada, ang mga tindahan ng fishball, ang mga taong naglalakad nang malaya. Lahat ng iyon ay parang unti-unting lumalabo at naglalaho. Sa loob ng kotseng ito, kasama ko ang lalaking itinuring ng aking pamilya na "anak," ako ay isang bilanggo. "Huwag mong isiping tumakas Hana," basag ni Sebastian sa katahimikan. Hindi siya nakatingin sa akin, ang kanyang mga mata ay diretso sa kalsada, ngunit ramdam ko ang bawat salitang binitawan niya. "Alam mo kung gaano kalawak ang naaabot ng kamay ko. Isang tawag ko lang, mawawalan ng hospital bed ang tatay mo." Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mata ko, gusto ko siyang suntukin. "Napaka-demonyo mo," pabulong kong sagot. Ramdam ko ang pait sa aking lalamunan. "Paano mo nagagawa ito sa amin? Itinuring ka ni Tatay na parang tunay na anak noong namatay ang mga magulang mo. Pinakain ka namin, pinatuloy sa maliit naming bahay..." Bigla niyang tinapakan ng malakas ang preno. Muntik nang humampas ang ulo ko sa dashboard kung hindi lang mabilis ang kamay niya na humarang sa harap ko. Agad siyang humarap sa akin, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit at isang emosyong hindi ko maipaliwanag. "Iyon na nga ang problema, Hana!" sigaw niya. "Iyon ang pagkakamali niyo! Itinuring niyo akong pamilya, pero ang tingin ko sa iyo simula pa noong bata tayo ay hindi kapatid! Pinapanood kita habang lumalaki ka, habang nagiging dalaga ka. At ngayong nakuha na kita, huwag mong asahang ibabalik kita sa pagiging 'kapatid' lang." Hindi ako nakasagot. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang katotohanang matagal na pala niya akong pinagmamasdan ay mas nakakatakot kaysa sa halagang ibinayad niya sa auction. Narating namin ang isang matayog na gusali sa gitna ng siyudad. Ang Valderama Towers. Dinala niya ako sa pinakataas na palapag, isang penthouse na gawa sa salamin at bakal. Napakaganda, napaka elegante, pero para sa akin, isa itong malamig na hawla. "Dito ka titira," anunsyo niya habang binubuksan ang malaking pinto. "May mga damit na sa kwarto mo. Lahat ng kailangan mo, ibibigay ko. Pero may mga rules tayong susundin." Humarap ako sa kanya, pilit na nagpapakatapang. "Anong rules?" Tinaasan ko siya ng kilay Lumapit siya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang init ng kanyang katawan. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga. "Una, walang lalabas ng walang paalam. Pangalawa, kapag tumawag ang pamilya mo, sasabihin mong nagtatrabaho ka bilang stay-in secretary ko. At pangatlo..." Hinigpitan niya ang hawak sa baywang ko. "Kapag nandito ako, sa akin ang buong atensyon mo. Walang 'Kuya Ian'. Ako si Sebastian, a guy who owns every inch of you." Mabilis na lumipas ang mga oras. Gabi na naman. Ang dilim sa labas ay tila sumasabay sa dilim ng aking pakiramdam. Nakaupo ako sa gilid ng higaan, nakasuot ng isang manipis na pantulog na silk na iniwan niya para sa akin. Naramdman kong bumukas ang pinto at pumasok si Sebastian na maluwag na ang necktie at amoy alak. Hindi siya nagsalita. Lumapit lang siya at lumuhod sa harap ko. Hinawakan niya ang aking mga kamay na nanginginig. "Hana, bakit ka natatakot?" tanong niya, ang boses niya ngayon ay malumanay, malayo sa galit na nakita ko kanina. "Binibigay ko sa iyo ang lahat ng karangyaan. Hindi mo na kailangang mag-waitress sa maduming bar na iyon. Hindi na kailangang mamroblema sa pera." "Pero hindi ako malaya, Sebastian," sagot ko habang tumutulo ang luha. "Binili mo ako na parang gamit lang." Umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. "Hindi kita binili dahil gusto kitang saktan. Binili kita dahil iyon lang ang paraan para mapunta ka sa akin nang hindi ka nakakatakas. Alam kong mali ito. Alam ko na kung malalaman ni Tito, papatayin niya ako. Pero hindi ko na kaya, Hana. Matagal na kitang gustong angkinin." Sa kabila ng takot ko, may isang bahagi ng puso ko na bumubulong. Ang paghanga ko sa kanya noong bata pa ako ay hindi pala nawala; nabaon lang ito sa hirap ng buhay. At ngayong malapit siya, ngayong ramdam ko ang pagnanasa niya, tila ba nagigising ang isang bahagi ng pagkatao ko na hindi ko dapat hinahayaang mabuhay. Inilapit niya ang kanyang labi sa akin. Sa simula ay malambot, tila humihingi ng pahintulot. Ngunit nang hindi ako lumaban, naging mapusok ang kanyang halik. Itinulak niya ako nang dahan-dahan sa kama. Ang bawal na koneksyon namin, ng pagiging "pamilya" sa mata ng tao at pagiging FUBU nami sa gabi ay lalong nagpabigat sa hangin. Kinaumagahan, nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Si Nanay. Napatitig ako kay Sebastian na natutulog pa sa tabi ko. Ang kanyang kamay ay nakapulupot pa rin sa aking baywang. Dahan-dahan akong bumangon at sinagot ang tawag sa banyo. "Hana! Anak! Kamusta ka na?" masayang boses ni Nanay. "Ang galing mo talagang pumili ng kumpanya. Tumawag dito ang secretary ni Sebastian, sabi ay kinuha ka raw niyang personal assistant at kailangan mong mag-stay sa opisina nila sa lungsod. Sobrang laking tulong nito, anak!" Napasandal ako sa pader. "O-opo, Nay. Okay lang po ako rito. Si Tatay po?" "Maayos na ang lagay niya. Sabi ng doktor, baka sa makalawa ay makauwi na kami. Salamat talaga sa loan mo sa manager mo, at salamat din kay Sebastian sa pag-aalaga sa iyo riyan." "Opo, Nay... Sige po, may trabaho pa ako." Pagbaba ko ng telepono, nakita ko si Sebastian na nakasandal na sa pinto ng banyo, nakatingin sa akin. "Good," sabi niya habang naka smirk. "Nagsisimula ka nang magsinungaling para sa atin." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niyang iyon "Para sa atin? Talaga ba?" galit kong sabi. "Ginagawa ko ito para kay Tatay! Pero tandaan mo Sebastian. Balang araw, matatapos din ang utang na loob na ito. At kapag nangyari iyon, hinding-hindi na kita gustong makita pa." Ngumiti lang siya—isang ngiting puno ng kumpiyansa. "Let's see. Bago pa man matapos ang buwan na ito, sisiguraduhin kong hindi mo na gugustuhing umalis sa tabi ko." Mabilis ang mga pangyayari. Isang linggo pa lang ang nakakalipas, pero ang buhay ko ay naging isang serye ng pagsisinungaling sa umaga at pagpapakasaya sa kasalanan sa gabi. Alam kong pabagsak na ang mundo ko, at sa oras na malaman ng pamilya namin ang katotohanan, wala na akong babalikan pa. Pero sa ngayon, sa loob ng penthouse na ito, ako ay pag-aari ng isang bilyonaryo na itinuring kong kuya. Isang bawal na relasyon na bawat segundo ay unti-unti kaming sinusunog.Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lamig na nararamdaman ko ngayon. Habang nakatingin ako sa salamin, hindi ko na makilala ang babaeng dati ay umiiyak dahil sa pag-ibig. Ang pitong buwan kong pananatili sa Dubai, mag-isang hinaharap ang hirap ng pagbubuntis ay talagang nakapag pabago ng emosyong nararamdaman ko. Nang pumasok si Sebastian sa sala ng villa ni Ahmed, hindi ako tumayo. Nanatili akong nakaupo, nakadekwatro, habang dahan-dahang humihigop ng tsaa. Ang maluwag kong suot na Abaya ay sapat na para itago ang aking tiyan na pitong buwan na. Sa paningin niya siguro, tumaba lang ako dahil sa ganda ng buhay dito. "Hana," tawag niya. Kung ipapaliwanag ko ang boses ni Sebastian, ito ay tila basag at puno ng pangungulila. Tumingin ako sa kanya ng walang ni isang kislap sa mga mata ko. Walang galit. Tanging kawalan lang ng pakialam. "Ano pang ginagawa mo rito, Mr. Valderama? Hindi mo ba nakikita? Busy ako." "Hana, pakinggan mo ako," lumapit siya, sinubukan niyang hawaka
Pitong buwan na ang lumipas simula nang talikuran ko ang Pilipinas at ang lahat ng sakit na dulot ni Sebastian. Sa pitong buwan na iyon, natutunan kong bumangon sa gitna ng init ng Dubai. Hindi naging madali ang magsimula nang mag-isa, lalo na’t bitbit ko sa aking sinapupunan ang bunga ng isang gabing puno ng kasalanan at pag-ibig. Ang aking tiyan ay malaki na ngayon. Ayon sa doktor, isang malusog na baby girl ang dinadala ko. Sa tuwing sumisipa siya, naaalala ko ang mga mata ni Sebastian, matapang at puno ng buhay. Ngunit mabilis ko ring iwinawaksi ang isiping iyon. Hindi na siya bahagi ng buhay namin. "Hana, you're daydreaming again," isang malumanay na boses ang bumulaga sa akin. Si Ahmed. Sa loob ng pitong buwan, hindi niya ako iniwan. Siya ang nag-ayos ng aking trabaho bilang administrative assistant sa isa sa kanyang mga kumpanya. Hindi siya nagtanong nang marami tungkol sa nakaraan ko, bagaman alam niyang may malalim akong sugat na dala. "Pasensya na, Ahmed. Napagod lan
Hindi ako mapakali sa loob ng penthouse. Lakad ako nang lakad habang hinihintay ang pagbabalik ni Sebastian. Ang lakas ng ulan sa labas, parang nakikisama sa kaba na nararamdaman ko. "Sebastian, huwag kang pumunta nang mag-isa," pakiusap ko sa kanya bago siya umalis. Nakasuot siya ng itim na jacket at seryoso ang kanyang mukha. "Kailangan kong umalis. Hawak ni Marcus ang buhay ng tatay mo," sagot niya habang hinahawakan ang mukha ko. "Dito ka lang. Ligtas ka rito." tango lang ang tanging naisagot ko kahit pa kitang kita sa mukha ko ang takot at pag-aalala. "Paano kung may mangyaring masama sa iyo?" hindi ko na napigilan ang bigat na nararamdaman ko kaya naitanong ko na lamang bigla ang mga ito. "Babalik ako, Hana. Pangako," huling sabi niya bago siya tuluyang lumabas. --- Dumating si Sebastian sa isang abandonadong simbahan. Doon, naghihintay ang pinsan niyang si Marcus. Hawak ni Marcus ang isang remote. Isang pindot lang, mamamatay ang tatay ni Hana sa ospital dahil mat
Nagising ako sa isang malamig at matigas na semento. Ang ulo ko ay parang binibiyak sa sakit dahil sa kemikal na naamoy ko kanina, at ang paligid ay nababalot ng amoy ng kalawang at napanis na tubig-dagat. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, ngunit mahigpit itong nakatali sa isang bakal na inuupuan ko. Ang bawat paggalaw ko ay nagdudulot ng hapdi sa aking mga pulso dahil sa gasgas ng magaspang na lubid. "Gising na ang munting prinsesa ni Valderama," isang boses ang bigla kong narinig sa katahimikan ng madilim na bodega. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Sa harap ko ay nakatayo ang tatlong lalaki. Ang isa ay may hawak na kutsilyo, habang ang isa naman ay tila may tinitingnan sa isang laptop, ang liwanag ng screen ay nagbibigay ng nakakatakot na anino sa kanyang mukha. "Anong kailangan niyo sa akin?" paos kong tanong. Tuyot na ang lalamunan ko at halos hindi ako makapagsalita. "Simple lang, Hana. Isang daang milyon kapalit ng video mo at ng kalayaan mo. Pero ha
Ang bawat segundo matapos matanggap ang mensaheng iyon ay parang paghila sa akin patungo sa ilalim ng lupa. Ang katahimikan sa loob ng penthouse ay nakabibingi. Nakatitig si Sebastian sa screen ng cellphone ko, kitang kita ang pag igting ng kanyang panga hanggang sa makita ko ang mga ugat sa kanyang leeg."Sebastian, anong gagawin natin?" nangangamba kong tanong. Hindi talaga ako mapakali kaya naisip ko na lamang kausapin si Sebastian. "Kapag napanood ni Tatay ang video... mamatay siya sa sama ng loob. Hindi niya kakayanin at hindi ko rin kakayanin." Hindi ko na mapigilan ang pag agos ng tubig sa mga mata ko. Humarap siya sa akin. Wala na ang malambot na Sebastian na yumayakap sa akin tuwing gabi. Ang nakaharap ko ngayon ay ang bilyonaryong walang awa, ang lalaking kayang sunugin ang buong mundo makuha lang ang gusto niya. "Walang makakaalam, Hana. Titapusin ko ito," malamig niyang sabi. Kinuha niya ang kanyang sariling telepono at may tinawagan."Anong wala? May nakaalam na ng
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang maging bilanggo ako sa gintong hawla ni Sebastian Valderama. Ang buhay ko ay nahahati na sa dalawang mundo: sa umaga, ako ang kanyang masunuring personal assistant na laging nakasunod sa bawat hakbang niya sa loob ng Valderama Towers at sa kaniyang opisina. Sa gabi naman, ako ang kanyang munting sekreto sa loob ng penthouse na abot-langit ang ganda.Ngunit ang bawat magandang damit na isinusuot ko at bawat mamahaling pagkain na inihahain sa harap ko ay hindi ko malasahan. Unti-unti akong nilalamon ng konsenya. Isang hapon, habang inaayos ko ang mga schedule ni Sebastian, pumasok siya sa aking opisina. Ang mukha niya ay seryoso, walang kung anong emosyon ang makikita o mararamdaman dito. "Mag-empake ka," utos niya. "Uuwi tayo sa inyo ngayong gabi. Magkakaroon ng thanksgiving dinner ang pamilya mo para sa paggaling ng tatay mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Eh ang alam ng parents ko nasa bahay nya ako ah. "Ano? Sebastian,







