แชร์

Kabanata 4 – Trap Message

ผู้เขียน: Sylpha Inyx
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-31 13:28:40

Ang bawat segundo matapos matanggap ang mensaheng iyon ay parang paghila sa akin patungo sa ilalim ng lupa. Ang katahimikan sa loob ng penthouse ay nakabibingi. Nakatitig si Sebastian sa screen ng cellphone ko, kitang kita ang pag igting ng kanyang panga hanggang sa makita ko ang mga ugat sa kanyang leeg.

"Sebastian, anong gagawin natin?" nangangamba kong tanong. Hindi talaga ako mapakali kaya naisip ko na lamang kausapin si Sebastian.

"Kapag napanood ni Tatay ang video... mamatay siya sa sama ng loob. Hindi niya kakayanin at hindi ko rin kakayanin." Hindi ko na mapigilan ang pag agos ng tubig sa mga mata ko.

Humarap siya sa akin. Wala na ang malambot na Sebastian na yumayakap sa akin tuwing gabi. Ang nakaharap ko ngayon ay ang bilyonaryong walang awa, ang lalaking kayang sunugin ang buong mundo makuha lang ang gusto niya.

"Walang makakaalam, Hana. Titapusin ko ito," malamig niyang sabi. Kinuha niya ang kanyang sariling telepono at may tinawagan.

"Anong wala? May nakaalam na nga e, hindi ka ba nababahala?" Iyon lamang ang tanging nabigkas ko.

"Valdez, i-trace mo nga numbe na ito. Gusto kong alamin mo ang lokasyon, ang pangalan, at lahat ng account na konektado sa kanya. Huwag kang titigil hangga't hindi mo nahahanap ang kumag na ito."

Lumipas ang magdamag na hindi kami natulog. Habang abala si Sebastian sa pakikipag-usap sa kanyang mga security expert at private investigators, ako naman ay nakakulong sa kwarto, yakap ang aking mga binti. Pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin mula sa bawat sulok ng silid.

Sino ang gagawa nito? Ang manager ng bar? Isang inggiterong empleyado sa Valderama Towers? O baka naman isang kaaway ni Sebastian sa negosyo na gustong gamitin ako para pabagsakin siya?

Kinabukasan, sapilitan akong pinapasok ni Sebastian sa opisina.

"Huwag kang aalis sa paningin ko, Hana. Dito ka lang sa loob ng opisina ko," utos niya. Ngunit bandang alas-tres ng hapon, nakatanggap ako ng tawag mula sa ospital.

"Ma'am Hana? Ito po ang Nurse sa Cardiology Department. Ang tatay niyo po, biglang sumama ang pakiramdam. Kailangan niyo pong pumunta rito para pumirma ng ilang documents para sa bagong gamot niya." Nagpanig ang puso ko.

"Ano? Sig po. Pupunta po ako!"

Dali-dali akong nagbihis ng simpleng kasuotan at dahil nasa isang mahalagang board meeting si Sebastian at mahigpit ang bilin na huwag istorbuhin, nag-iwan lang ako ng maikling note sa kanyang lamesa. Hindi ko na inisip ang banta. Ang nasa isip ko lang ay ang tatay ko.

Mabilis akong lumabas ng gusali at pumara ng taxi.

"Sa City General Hospital po, kuya. Pakibilis," sabi ko habang nagmamadali.

Ngunit pagliko ng taxi sa isang madilim at liblib na kalsada na malayo sa ruta patungong ospital, doon lang ako natauhan.

"Kuya, mali po ata ang dinadaanan natin," sabi ko, ang boses ko ay nagsisimula nang manginig.

Hindi sumagot ang driver. Nakasuot siya ng itim na jacket at sombrero. Tumingin ako sa rearview mirror at nakita ko ang kanyang mga mata, malamig at walang emosyon. Bigla niyang itinigil ang sasakyan sa isang abandonadong bodega sa tabi ng pantalan.

"Bumaba ka," utos niya, sabay labas ng isang baril.

"Sino ka? Anong kailangan niyo sa akin?" sigaw ko habang pilit na binubuksan ang pinto, pero naka-child lock ito.

Binuksan niya ang pinto sa labas at marahas akong hinila palabas. May isa pang lalaki na lumabas mula sa bodega. May hawak silang panyo na hindi ko alam kung para saan. Pilit akong lumaban, sinipa ko sila at sumigaw, pero masyado silang malakas at mukhang walang makakarinig sa'kin dito.

"Huwag ka nang malikot, Hana. Gusto lang naming makuha ang dapat ay sa amin," bulong ng isa bago niya idiniin ang panyo sa ilong ko.

T-teka, paano niya nalaman ang pangalan ko?

Unti-unting nagdilim ang paningin ko. Ang huling naalala ko ay ang mukha ni Sebastian sa isip ko. Sebastian, tulungan mo ako...

---

Sa kabilang dako katatapos lang ng meeting ni Sebastian. Pagpasok niya sa opisina, nakita niya ang note. Agad siyang tumawag sa ospital, ang boses niya ay nanginginig sa galit.

"Nasaan ang biyenan ko? Nasaan si Hana?" sigaw niya sa head nurse.

"Sir, stable po si Mr. Reyes. Wala po kaming tinatawag na emergency," sagot ng nurse.

Sa sandaling iyon, alam na ni Sebastian. Alam niyang may hindi magandang nangyayari.

Nabitawan ni Sebastian ang baso ng alak, nagkapira-piraso ito sa sahig na parang ang kanyang pasensya. Tumingin ito sa pinto matapos magbukas ito ng biglaan. Si Valdez.

"Sir, na-trace na namin ang cellphone ni Ms. Hana. Nasa Pier 12, Warehouse 4. Pero may problema, Sir. Mukhang hindi lang ito simpleng kidnapping. May mga sniper silang nakapwesto."

Lumapit si Sebastian sa kanyang lihim na vault sa likod ng painting. Kumuha siya ng isang tactical vest at dalawang baril. Ang kanyang mga mata ay wala nang bahid ng pagkatao. Wala na ang bilyonaryong nasa cover ng mga magazine; ang natira ay ang lalaking dumaan sa impyerno bago narating ang rurok.

"Maghanda ang lahat ng Alpha team," utos ni Sebastian, ang boses niya ay tila galing sa ilalim ng lupa.

"Walang negotiation. Walang surrender. Ang sinumang tumingin o humawak kay Hana... sisiguraduhin kong magmamakaawa silang mamatay sa harap ko."

Lumabas siya ng opisina, ang bawat hakbang niya ay tila yumanig sa buong gusali. Habang sakay ng kanyang mabilis na sasakyan patungo sa pier, isang bagay lang ang nasa isip niya.

"Hana, kung may mangyaring masama sa iyo, sisiguraduhin kong susunugin ko ang buong siyudad na ito para lang malaman nilang mali ang desisyon nilang gawin iyan sa'yo. "

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • HIS DARKEST PURCHASED   Kabanata 8

    Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lamig na nararamdaman ko ngayon. Habang nakatingin ako sa salamin, hindi ko na makilala ang babaeng dati ay umiiyak dahil sa pag-ibig. Ang pitong buwan kong pananatili sa Dubai, mag-isang hinaharap ang hirap ng pagbubuntis ay talagang nakapag pabago ng emosyong nararamdaman ko. Nang pumasok si Sebastian sa sala ng villa ni Ahmed, hindi ako tumayo. Nanatili akong nakaupo, nakadekwatro, habang dahan-dahang humihigop ng tsaa. Ang maluwag kong suot na Abaya ay sapat na para itago ang aking tiyan na pitong buwan na. Sa paningin niya siguro, tumaba lang ako dahil sa ganda ng buhay dito. "Hana," tawag niya. Kung ipapaliwanag ko ang boses ni Sebastian, ito ay tila basag at puno ng pangungulila. Tumingin ako sa kanya ng walang ni isang kislap sa mga mata ko. Walang galit. Tanging kawalan lang ng pakialam. "Ano pang ginagawa mo rito, Mr. Valderama? Hindi mo ba nakikita? Busy ako." "Hana, pakinggan mo ako," lumapit siya, sinubukan niyang hawaka

  • HIS DARKEST PURCHASED   Kabanata 7 - Between Desert and Ocean

    Pitong buwan na ang lumipas simula nang talikuran ko ang Pilipinas at ang lahat ng sakit na dulot ni Sebastian. Sa pitong buwan na iyon, natutunan kong bumangon sa gitna ng init ng Dubai. Hindi naging madali ang magsimula nang mag-isa, lalo na’t bitbit ko sa aking sinapupunan ang bunga ng isang gabing puno ng kasalanan at pag-ibig. Ang aking tiyan ay malaki na ngayon. Ayon sa doktor, isang malusog na baby girl ang dinadala ko. Sa tuwing sumisipa siya, naaalala ko ang mga mata ni Sebastian, matapang at puno ng buhay. Ngunit mabilis ko ring iwinawaksi ang isiping iyon. Hindi na siya bahagi ng buhay namin. "Hana, you're daydreaming again," isang malumanay na boses ang bumulaga sa akin. Si Ahmed. Sa loob ng pitong buwan, hindi niya ako iniwan. Siya ang nag-ayos ng aking trabaho bilang administrative assistant sa isa sa kanyang mga kumpanya. Hindi siya nagtanong nang marami tungkol sa nakaraan ko, bagaman alam niyang may malalim akong sugat na dala. "Pasensya na, Ahmed. Napagod lan

  • HIS DARKEST PURCHASED   Kabanata 6 – Unexpected surprise

    Hindi ako mapakali sa loob ng penthouse. Lakad ako nang lakad habang hinihintay ang pagbabalik ni Sebastian. Ang lakas ng ulan sa labas, parang nakikisama sa kaba na nararamdaman ko. "Sebastian, huwag kang pumunta nang mag-isa," pakiusap ko sa kanya bago siya umalis. Nakasuot siya ng itim na jacket at seryoso ang kanyang mukha. "Kailangan kong umalis. Hawak ni Marcus ang buhay ng tatay mo," sagot niya habang hinahawakan ang mukha ko. "Dito ka lang. Ligtas ka rito." tango lang ang tanging naisagot ko kahit pa kitang kita sa mukha ko ang takot at pag-aalala. "Paano kung may mangyaring masama sa iyo?" hindi ko na napigilan ang bigat na nararamdaman ko kaya naitanong ko na lamang bigla ang mga ito. "Babalik ako, Hana. Pangako," huling sabi niya bago siya tuluyang lumabas. --- Dumating si Sebastian sa isang abandonadong simbahan. Doon, naghihintay ang pinsan niyang si Marcus. Hawak ni Marcus ang isang remote. Isang pindot lang, mamamatay ang tatay ni Hana sa ospital dahil mat

  • HIS DARKEST PURCHASED   Kabanata 5 – insider

    Nagising ako sa isang malamig at matigas na semento. Ang ulo ko ay parang binibiyak sa sakit dahil sa kemikal na naamoy ko kanina, at ang paligid ay nababalot ng amoy ng kalawang at napanis na tubig-dagat. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, ngunit mahigpit itong nakatali sa isang bakal na inuupuan ko. Ang bawat paggalaw ko ay nagdudulot ng hapdi sa aking mga pulso dahil sa gasgas ng magaspang na lubid. "Gising na ang munting prinsesa ni Valderama," isang boses ang bigla kong narinig sa katahimikan ng madilim na bodega. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Sa harap ko ay nakatayo ang tatlong lalaki. Ang isa ay may hawak na kutsilyo, habang ang isa naman ay tila may tinitingnan sa isang laptop, ang liwanag ng screen ay nagbibigay ng nakakatakot na anino sa kanyang mukha. "Anong kailangan niyo sa akin?" paos kong tanong. Tuyot na ang lalamunan ko at halos hindi ako makapagsalita. "Simple lang, Hana. Isang daang milyon kapalit ng video mo at ng kalayaan mo. Pero ha

  • HIS DARKEST PURCHASED   Kabanata 4 – Trap Message

    Ang bawat segundo matapos matanggap ang mensaheng iyon ay parang paghila sa akin patungo sa ilalim ng lupa. Ang katahimikan sa loob ng penthouse ay nakabibingi. Nakatitig si Sebastian sa screen ng cellphone ko, kitang kita ang pag igting ng kanyang panga hanggang sa makita ko ang mga ugat sa kanyang leeg."Sebastian, anong gagawin natin?" nangangamba kong tanong. Hindi talaga ako mapakali kaya naisip ko na lamang kausapin si Sebastian. "Kapag napanood ni Tatay ang video... mamatay siya sa sama ng loob. Hindi niya kakayanin at hindi ko rin kakayanin." Hindi ko na mapigilan ang pag agos ng tubig sa mga mata ko. Humarap siya sa akin. Wala na ang malambot na Sebastian na yumayakap sa akin tuwing gabi. Ang nakaharap ko ngayon ay ang bilyonaryong walang awa, ang lalaking kayang sunugin ang buong mundo makuha lang ang gusto niya. "Walang makakaalam, Hana. Titapusin ko ito," malamig niyang sabi. Kinuha niya ang kanyang sariling telepono at may tinawagan."Anong wala? May nakaalam na ng

  • HIS DARKEST PURCHASED   Kabanata 3 – watching in the darkness

    Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang maging bilanggo ako sa gintong hawla ni Sebastian Valderama. Ang buhay ko ay nahahati na sa dalawang mundo: sa umaga, ako ang kanyang masunuring personal assistant na laging nakasunod sa bawat hakbang niya sa loob ng Valderama Towers at sa kaniyang opisina. Sa gabi naman, ako ang kanyang munting sekreto sa loob ng penthouse na abot-langit ang ganda.Ngunit ang bawat magandang damit na isinusuot ko at bawat mamahaling pagkain na inihahain sa harap ko ay hindi ko malasahan. Unti-unti akong nilalamon ng konsenya. Isang hapon, habang inaayos ko ang mga schedule ni Sebastian, pumasok siya sa aking opisina. Ang mukha niya ay seryoso, walang kung anong emosyon ang makikita o mararamdaman dito. "Mag-empake ka," utos niya. "Uuwi tayo sa inyo ngayong gabi. Magkakaroon ng thanksgiving dinner ang pamilya mo para sa paggaling ng tatay mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Eh ang alam ng parents ko nasa bahay nya ako ah. "Ano? Sebastian,

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status