Mag-log inNagising ako sa isang malamig at matigas na semento. Ang ulo ko ay parang binibiyak sa sakit dahil sa kemikal na naamoy ko kanina, at ang paligid ay nababalot ng amoy ng kalawang at napanis na tubig-dagat. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, ngunit mahigpit itong nakatali sa isang bakal na inuupuan ko. Ang bawat paggalaw ko ay nagdudulot ng hapdi sa aking mga pulso dahil sa gasgas ng magaspang na lubid.
"Gising na ang munting prinsesa ni Valderama," isang boses ang bigla kong narinig sa katahimikan ng madilim na bodega. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Sa harap ko ay nakatayo ang tatlong lalaki. Ang isa ay may hawak na kutsilyo, habang ang isa naman ay tila may tinitingnan sa isang laptop, ang liwanag ng screen ay nagbibigay ng nakakatakot na anino sa kanyang mukha. "Anong kailangan niyo sa akin?" paos kong tanong. Tuyot na ang lalamunan ko at halos hindi ako makapagsalita. "Simple lang, Hana. Isang daang milyon kapalit ng video mo at ng kalayaan mo. Pero habang naghihintay kami sa 'kuya' mo, naisip namin... bakit hindi muna kami mag-enjoy?" Lumapit sa akin ang lalaking may kutsilyo at dahan-dahang idinaan ang dulo nito sa aking pisngi pababa sa aking leeg. "Napakaganda mo ngang talaga. Sayang naman kung si Sebastian lang ang makakatikim sa'yo." Pumikit ako nang mahigpit, nanginginig ang buong katawan ko. "Papatayin kayo ni Sebastian... hindi niyo siya kilala. Hindi siya titigil hangga't hindi kayo nabubura sa mundo." Tumawa sila nang malakas, isang tunog na nagpataas ng balahibo ko. "Nag-iisa lang siya. At kami, may mga baril at—" Hindi natapos ng lalaki ang kanyang sasabihin nang isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong bodega. Ang malaking pintong bakal sa dulo ay tila itinapon ng isang higanteng pwersa. Kasunod nito ay ang sunod-sunod na putok ng baril, mabilis, direkta, at walang mintis. Mula sa makapal na usok, isang pigura ang lumabas. Hindi siya nakasuot ng pormal na suit na nakasanayan ko. Nakasuot siya ng itim na tactical gear, at ang kanyang mga mata ay tila nanggagaling sa kailaliman ng impyerno. Hindi ito ang bilyonaryong nakikita sa TV; ito ang lalaking handang pumatay para sa kanyang pag-aari. Si Sebastian Valderama "Bitawan niyo siya," ang boses niya ay hindi na tao. Ito ay boses ng isang halimaw na nagugutom. "Huwag kang lalapit! Papatayin ko ang babaeng ito!" sigaw ng lalaking may kutsilyo habang hinihila ang buhok ko nang sobrang higpit at itinatama ang matalim na dulo sa leeg ko. Ramdam ko ang lamig ng bakal. Ngunit hindi huminto si Sebastian. Nagpatuloy siya sa paglakad, tila hindi natatakot sa mga baril na nakatutok sa kanya mula sa ibang sulok ng bodega. "Sige. Subukan mong gasgasan ang balat niya. Sisiguraduhin kong bawat daliri mo ay lalamunin mo bago ka mamatay. Sisiguraduhin kong magmamakaawa ka para sa katapusan mo." Sa isang iglap, bago pa makagalaw ang kidnapper, isang bala ang tumama sa kamay nito. Hindi ko nakita kung saan galing, pero sa bilis ng pangyayari ay bigla akong nahilo. Napasigaw ang lalaki sa sakit at nabitawan ang kutsilyo. Kasunod nito ay ang pagpasok ng mga tauhan ni Sebastian na tinatawag niyang 'ALPHA' na parang mga anino na pumatay sa lahat ng nakatayo. Nang malinis na ang paligid ng mga sniper, lumapit si Sebastian sa akin. Mabilis niyang pinutol ang mga tali sa kamay ko gamit ang isang tactical knife. Pagka alis ng tali sa aking mga kamay, agad akong napasubsob sa kanyang dibdib, umiiyak nang walang tigil. Pero naramdaman ko ang kanyang katawan, matigas, mainit, at puno ng tensyon. Hindi niya ako agad niyakap pabalik. Sa halip, lumapit siya sa lalaking bumaril sa akin kanina ang driver ng taxi na ngayon ay duguan na sa sahig pero buhay pa. "Sino ang nag-utos sa inyo?" tanong ni Sebastian habang itinutapak ang kanyang sapatos sa sugat ng lalaki sa braso. Dinidirelyo niya ito, pinipiga ang laman hanggang sa sumigaw ang lalaki ng mas malakas. "H-hindi ko alam... sa telepono lang kami nag-uusap... binayaran lang kami!" pagmamakaawa ng lalaki. Walang babala, binaril ni Sebastian ang lalaki sa binti. Bang! Ang hiyaw nito ay umalingawngaw sa buong bodega. "Huling pagkakataon. Sino ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa kinalalagyan namin?" "Sebastian, tama na!" sigaw ko, nanginginig sa takot. "Umuwi na tayo! Parang awa mo na!" Tumingin sa akin si Sebastian. Ang galit sa kanyang mga mata ay dahan-dahang napalitan ng sakit nang makita niya ang mga pasa sa braso ko at ang bakas ng dugo sa leeg ko. Binitawan niya ang lalaki at mabilis akong binuhat na parang isang bata. "Iuwi niyo ang mga 'yan," utos ni Sebastian kay Valdez. "Huwag niyo silang papatayin agad. Gusto ko silang makausap... nang dahan-dahan. Ipakita niyo sa kanila kung ano ang nangyayari sa mga taong sumusubok na saktan ang mga taong mahal ko." Ibinaba ako ni Sebastian sa loob ng kanyang armored SUV. Balot na balot ako ng kanyang jacket na amoy pulbura at ang kanyang pabango. Habang nagmamaneho siya pabalik sa penthouse, nananatili siyang tahimik, ang kanyang mga kamay sa manibela ay may bakas pa ng dugo ng mga kidnapper. "Sebastian... bakit kailangang maging ganoon?" tanong ko habang hikbi nang hikbi. "N-natatakot ako sa iyo." Huminga siya nang malalim at itinigil ang sasakyan sa gilid ng tulay. Humarap siya sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng pagsisisi pero may determinasyon. "Hana, sa mundo ko, ang kahinaan ay kamatayan. At ikaw... ikaw ang tanging kahinaan ko. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka. Kahit maging demonyo man ako sa paningin mo, basta't ligtas ka, tatanggapin ko." Pagdating namin sa penthouse, hindi pa rin kami makahinga ng maluwag. Sinalubong kami ni Valdez na may dalawang folder at isang laptop. "Sir, may lead na kami," sabi ni Valdez, seryoso ang mukha. "Ang account na ginamit sa pagbayad sa mga kidnappers... hindi ito galing sa labas ng bansa gaya ng akala natin. Ang perang ginamit ay nanggaling sa isa sa mga dormant accounts ng Valderama Corporation. Nanigas si Sebastian. "Isang insider?" Tumango si Valdez "Higit pa roon, Sir. Ang access key ay ginamit mula sa isang pribadong computer sa loob ng inyong family estate. Ang taong gumawa nito ay kilala ang bawat pasikot-sikot ng buhay niyo... at ng buhay ni Hana." Napatigil ang tibok ng puso ko. Ibig sabihin, ang taong nagpahamak sa akin ay kakilala namin. Isang taong itinuring naming kaibigan o kapamilya. "Ilabas mo ang pangalan, Valdez," utos ni Sebastian, ang boses niya ay naging kasing-lamig ng yelo. "Lahat ng ebidensya, Sir... ang GPS ng laptop at ang pirma sa bank transfer... itinuturo ang pinsan niyo. Si Marcus Valderama." Hindi makapaniwala si Sebastian. Si Marcus ang kanyang katuwang sa negosyo, ang taong kasama naming lumaki. Ngunit bago pa siya makapagsalita, tumunog ang cellphone ko na nakuha ni Sebastian mula sa bodega. Isang video message mula sa isang hindi kilalang app. Pagbukas ko, halos himatayin ako. Sa video, makikita si Tatay sa loob ng kanyang kwarto sa ospital, bumalik sya roon para sa kaniyang general check-up. Tulog siya ng mapayapa. Ngunit may isang kamay na may suot na itim na guwantes ang dahan-dahang humahaplos sa kanyang oxygen tube—handang hilahin ito anumang oras. Isang text ang sumunod: “Ang nangyari kanina ay simula pa lang ng laro, Sebastian. Akala mo ba ligtas na siya? Ang buhay ng tatay niya ay nakasalalay sa isang hila ko lang. Magkita tayo sa lumang simbahan ng Saint Laurent bukas ng gabi. Mag-isa ka lang. Kapag may nakita akong pulis o kahit isang anino ng Alpha Team, maghanda ka na ng kabaong para sa matanda.” Napasigaw ako at napayakap kay Sebastian. Ang aming bawal na relasyon ay naging isang madugong digmaan kung saan ang buhay ng aking ama ang nakataya. "Huwag kang mag-alala, Hana," bulong ni Sebastian habang hinahalikan ang noo ko. "Matatapos din ang lahat ng ito, alam kong mahirap pero ang lahat ay may hangganan." Tumango lang ako ngunit sa loob loob ko ay nag aalala ako para kay Sebastian.Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lamig na nararamdaman ko ngayon. Habang nakatingin ako sa salamin, hindi ko na makilala ang babaeng dati ay umiiyak dahil sa pag-ibig. Ang pitong buwan kong pananatili sa Dubai, mag-isang hinaharap ang hirap ng pagbubuntis ay talagang nakapag pabago ng emosyong nararamdaman ko. Nang pumasok si Sebastian sa sala ng villa ni Ahmed, hindi ako tumayo. Nanatili akong nakaupo, nakadekwatro, habang dahan-dahang humihigop ng tsaa. Ang maluwag kong suot na Abaya ay sapat na para itago ang aking tiyan na pitong buwan na. Sa paningin niya siguro, tumaba lang ako dahil sa ganda ng buhay dito. "Hana," tawag niya. Kung ipapaliwanag ko ang boses ni Sebastian, ito ay tila basag at puno ng pangungulila. Tumingin ako sa kanya ng walang ni isang kislap sa mga mata ko. Walang galit. Tanging kawalan lang ng pakialam. "Ano pang ginagawa mo rito, Mr. Valderama? Hindi mo ba nakikita? Busy ako." "Hana, pakinggan mo ako," lumapit siya, sinubukan niyang hawaka
Pitong buwan na ang lumipas simula nang talikuran ko ang Pilipinas at ang lahat ng sakit na dulot ni Sebastian. Sa pitong buwan na iyon, natutunan kong bumangon sa gitna ng init ng Dubai. Hindi naging madali ang magsimula nang mag-isa, lalo na’t bitbit ko sa aking sinapupunan ang bunga ng isang gabing puno ng kasalanan at pag-ibig. Ang aking tiyan ay malaki na ngayon. Ayon sa doktor, isang malusog na baby girl ang dinadala ko. Sa tuwing sumisipa siya, naaalala ko ang mga mata ni Sebastian, matapang at puno ng buhay. Ngunit mabilis ko ring iwinawaksi ang isiping iyon. Hindi na siya bahagi ng buhay namin. "Hana, you're daydreaming again," isang malumanay na boses ang bumulaga sa akin. Si Ahmed. Sa loob ng pitong buwan, hindi niya ako iniwan. Siya ang nag-ayos ng aking trabaho bilang administrative assistant sa isa sa kanyang mga kumpanya. Hindi siya nagtanong nang marami tungkol sa nakaraan ko, bagaman alam niyang may malalim akong sugat na dala. "Pasensya na, Ahmed. Napagod lan
Hindi ako mapakali sa loob ng penthouse. Lakad ako nang lakad habang hinihintay ang pagbabalik ni Sebastian. Ang lakas ng ulan sa labas, parang nakikisama sa kaba na nararamdaman ko. "Sebastian, huwag kang pumunta nang mag-isa," pakiusap ko sa kanya bago siya umalis. Nakasuot siya ng itim na jacket at seryoso ang kanyang mukha. "Kailangan kong umalis. Hawak ni Marcus ang buhay ng tatay mo," sagot niya habang hinahawakan ang mukha ko. "Dito ka lang. Ligtas ka rito." tango lang ang tanging naisagot ko kahit pa kitang kita sa mukha ko ang takot at pag-aalala. "Paano kung may mangyaring masama sa iyo?" hindi ko na napigilan ang bigat na nararamdaman ko kaya naitanong ko na lamang bigla ang mga ito. "Babalik ako, Hana. Pangako," huling sabi niya bago siya tuluyang lumabas. --- Dumating si Sebastian sa isang abandonadong simbahan. Doon, naghihintay ang pinsan niyang si Marcus. Hawak ni Marcus ang isang remote. Isang pindot lang, mamamatay ang tatay ni Hana sa ospital dahil mat
Nagising ako sa isang malamig at matigas na semento. Ang ulo ko ay parang binibiyak sa sakit dahil sa kemikal na naamoy ko kanina, at ang paligid ay nababalot ng amoy ng kalawang at napanis na tubig-dagat. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, ngunit mahigpit itong nakatali sa isang bakal na inuupuan ko. Ang bawat paggalaw ko ay nagdudulot ng hapdi sa aking mga pulso dahil sa gasgas ng magaspang na lubid. "Gising na ang munting prinsesa ni Valderama," isang boses ang bigla kong narinig sa katahimikan ng madilim na bodega. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Sa harap ko ay nakatayo ang tatlong lalaki. Ang isa ay may hawak na kutsilyo, habang ang isa naman ay tila may tinitingnan sa isang laptop, ang liwanag ng screen ay nagbibigay ng nakakatakot na anino sa kanyang mukha. "Anong kailangan niyo sa akin?" paos kong tanong. Tuyot na ang lalamunan ko at halos hindi ako makapagsalita. "Simple lang, Hana. Isang daang milyon kapalit ng video mo at ng kalayaan mo. Pero ha
Ang bawat segundo matapos matanggap ang mensaheng iyon ay parang paghila sa akin patungo sa ilalim ng lupa. Ang katahimikan sa loob ng penthouse ay nakabibingi. Nakatitig si Sebastian sa screen ng cellphone ko, kitang kita ang pag igting ng kanyang panga hanggang sa makita ko ang mga ugat sa kanyang leeg."Sebastian, anong gagawin natin?" nangangamba kong tanong. Hindi talaga ako mapakali kaya naisip ko na lamang kausapin si Sebastian. "Kapag napanood ni Tatay ang video... mamatay siya sa sama ng loob. Hindi niya kakayanin at hindi ko rin kakayanin." Hindi ko na mapigilan ang pag agos ng tubig sa mga mata ko. Humarap siya sa akin. Wala na ang malambot na Sebastian na yumayakap sa akin tuwing gabi. Ang nakaharap ko ngayon ay ang bilyonaryong walang awa, ang lalaking kayang sunugin ang buong mundo makuha lang ang gusto niya. "Walang makakaalam, Hana. Titapusin ko ito," malamig niyang sabi. Kinuha niya ang kanyang sariling telepono at may tinawagan."Anong wala? May nakaalam na ng
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang maging bilanggo ako sa gintong hawla ni Sebastian Valderama. Ang buhay ko ay nahahati na sa dalawang mundo: sa umaga, ako ang kanyang masunuring personal assistant na laging nakasunod sa bawat hakbang niya sa loob ng Valderama Towers at sa kaniyang opisina. Sa gabi naman, ako ang kanyang munting sekreto sa loob ng penthouse na abot-langit ang ganda.Ngunit ang bawat magandang damit na isinusuot ko at bawat mamahaling pagkain na inihahain sa harap ko ay hindi ko malasahan. Unti-unti akong nilalamon ng konsenya. Isang hapon, habang inaayos ko ang mga schedule ni Sebastian, pumasok siya sa aking opisina. Ang mukha niya ay seryoso, walang kung anong emosyon ang makikita o mararamdaman dito. "Mag-empake ka," utos niya. "Uuwi tayo sa inyo ngayong gabi. Magkakaroon ng thanksgiving dinner ang pamilya mo para sa paggaling ng tatay mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Eh ang alam ng parents ko nasa bahay nya ako ah. "Ano? Sebastian,







