Mag-log in
HANA'S POV
Ang amoy ng alak, usok ng sigarilyo, at ang malakas na tunog ng musika ay sapat na para mahilo ang sinumang hindi sanay sa ganitong ingay. Pero para sa akin, ito ang tunog ng kaligtasan o ang 'yon ang akala ko noon.
Tatlong taon na akong nagtatrabaho bilang waitress sa Le Noir, isang eksklusibong bar para sa mga elite. Sanay na ako sa mga bastos na titig at malilikot na kamay, pero ngayong gabi, iba ang takot na nararamdaman ko.
Nakahawak ako ng mahigpit sa aking uniporme habang nakatayo sa harap ng opisina ni Manager Roda. Ang mga palad ko ay nanlalamig at nanginginig.Sa loob ng bag ko ay ang bill mula sa ospital, isang numerong may anim na zero na hindi ko kayang tingnan dahil sa tuwing tinitingnan ko ito naiisip ko na sa kahit anong oras ang pupwedeng mamatay ang tatay ko.
"Hana, pasok," boses ni Manager Roda mula sa loob. Nang pumasok ako, napansin ko na ang silid ay may halo-halong tao ngunit napakadilim nito kaya hindi ko napansin kung sino ang mga narito kung bata, matanda, hindi ko alam, wala akong ideya.Tumingin sa akin ang manager, may halong awa sa kanyang mga mata.
"Wala na tayong oras, Hana. Ang operasyon ng tatay mo ay kailangan nang gawin bukas. Kung hindi, alam mo na ang pwedeng mangyari," diretsahang sabi niya.
"Itong opportunity' na sinasabi ko sa'yo lang ang tanging paraan para makuha mo ang pera sa loob lamang ng isang gabi."
"Anong klaseng oportunidad, Manager?" halos pabulong kong tanong, kahit na alam ko na ang sagot sa kaibuturan ng puso ko."Isang auction, Hana. Pero hindi gamit ang ibebenta kun'di ikaw. Ang iyong pagkababae."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang dangal na itinago ko, ang prinsipyo na itinanim sa akin ni Tatay na 'ang kahirapan ay hindi rason para magbenta ng kaluluwa, lahat iyon ay parang gumuho. Pero nakita ko ang mukha ni Tatay sa isip ko. Ang mga mata niyang pagod, ang hirap niya sa paghinga. "Gagawin ko," pikit-mata kong sabi. "Para kay Tatay." Pagdating ng alas-diyes ng gabi, binihisan nila ako ng isang manipis at puting dress na hapit sa aking katawan. Nilagyan nila ako ng belo na tanging ang mga mata ko lang ang nakikita.Pakiramdam ko ay isa akong hayop na ihahain sa mga gutom na lobo.
Dinala ako sa isang lihim na silid sa itaas ng bar. Doon, may mga lalaking nakasuot ng tuxedo, mayayaman, makapangyarihan, at mga mukhang walang pakialam sa moralidad basta’t makuha ang gusto nila. "Ladies and gentlemen," panimula ng auctioneer. "Ngayong gabi, mayroon tayong espesyal na handog. Isang rosas na hindi pa napipitas. Ang panimulang presyo... limang daang libo."Nagsimulang magtaas ng kamay ang mga tao.
"Anim na raang libo!" "Isang milyon!" "Dalawang milyon!" Sumigaw, tumakbo, yun lang ang gusto kong gawin. Pero paano? Ang bawat taya nila ay karagdagang oras para sa tatay ko. Napayuko na lang ako, hinahayaan ang mga luhang pumatak sa loob ng belo ko. Hanggang sa binalot ang buong silid ng isang boses... malamig, baritono, at nakakapangilabot. "Limampung milyon." Lahat ay lumingon sa likuran. Isang lalaking nakaupo sa pinakamadilim na bahagi ng VIP section ang dahan-dahang tumayo. Kahit madilim, kilala ko ang postura na iyon. Ang matikas na balikat, ang paraan ng kanyang paglakad na tila pag-aari niya ang mundo. Si Sebastian Valderama. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ito maaari. Si Sebastian ay hindi lang basta isang bilyonaryo. Siya ang anak ni Tito Robert, ang matalik na kaibigan ng tatay ko na tumulong sa amin noong bata pa ako. Itinuring siyang parang kapatid ng aking mga pinsan, at para sa akin... siya ang "Kuya Ian" na tinitingala ko at lihim na hinahangaan simula pa noong bata ako. "Sold to Mr. Valderama," anunsyo ng auctioneer. Ilang minuto, siguro ay nasa tatlumpong minuto din kaming nasa biyahe bago makarating sa penthouse ni Sebastian. Sobrang tahimik lang ng biyahe namin patungo roon, ni hindi ko magawang tumingin o buksan man lang ang aking bibig. Nang dumating kami sa kaniyang bahay ay dineretso niya ako sa isang kuwarto."Look at me," utos niya. Ang boses niya ay walang emosyon.
Dahan-dahan kong inalis ang belo ko. Pagtingin ko sa kanya, nakita ko ang bigla niyang pagkagulat, na mabilis ding napalitan ng isang mapanganib na ngiti.
"Hana..." tawag niya sa pangalan ko."Ikaw pala ang 'regalo' na nakuha ko ngayong gabi."
"S-sebastian... Kuya Ian..." nauutal kong sabi. "Huwag mo akong tawaging 'Kuya' sa loob ng kwartong ito, Hana," seryoso niyang sabi habang lumalapit sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at itinaas ito para magtama ang aming mga paningin. "I bought you from the Auction and you already know what is the meaning of it, right?" Nanginig ang labi ko. "Kailangan ko lang ang pera..." sabi ko."Alam ko," sagot niya.
"At ibibigay ko ang pangangailangan basta ngayong gabi, sa akin ka."
Nang gabing iyon, nawala ang lahat ng koneksyon niya sa'kin. Ang tanging natira na lang ay ang mainit na haplos ng isang lalaki sa isang babae. Ibinigay ko sa kanya ang lahat, ang aking pagkababae, ang aking unang halik, at ang aking puso na matagal na palang naghihintay sa kanya. Pero sa bawat sandali ng sarap, may kaakibat na hapdi ng pagsisisi at pag aalala.
Paano ko siya matitingnan bukas? Paano ko matatawag na "pamilya" ang lalaking umangkin sa akin sa halagang limampung milyon?Bago sumikat ang araw, habang mahimbing pa siyang natutulog, mabilis akong kumilos. Masakit ang aking katawan, ngunit agad agad kong pinulot ang mga damit kong nakakalat sa sahig. Nakita ko rin ang isang tseke sa ibabaw ng mesa, pero hindi ko ito kinuha. Alam kong ang manager na ang bahala sa bayad sa ospital.
Muli akong tumingin sa kanya sa huling pagkakataon. Napakagwapo niya habang natutulog, malayo sa mapang-aping bilyonaryo kanina. Pero alam kong kailangan ko nang lumayo.
Ang gabing ito ay dapat manatiling isang lihim, isang masama at bawal na panaginip. Mabilis akong lumabas ng penthouse at sumakay ng taxi patungo sa ospital. Habang nakatingin sa labas ng bintana, tanging isang bagay lang ang nasa isip ko: Sana, hindi na tayo muling magkita pa, Sebastian. --- Idinilat ni Sebastian ang kanyang mga mata at nakitang wala na ang babaeng nagpabaliw sa kanya kagabi. Hinawakan niya ang lukot na sapin ng kama. May bahid ng dugo, isang patunay na siya ang unang nakakuha sa kinakapatid nitong si Hana.Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang kanyang assistant."Find out where she is. Ngayon din," utos niya.
"Huwag mong hahayaang makalapit ang sinuman sa kanya. At ihanda mo ang kotse. Pupunta tayo sa ospital kung nasaan ang tatay niya." Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.
“akala mo ba ganoon lang kadali iyon? Nabili na kita. At sa mundo ko, ang binili ko ay akin habambuhay."
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lamig na nararamdaman ko ngayon. Habang nakatingin ako sa salamin, hindi ko na makilala ang babaeng dati ay umiiyak dahil sa pag-ibig. Ang pitong buwan kong pananatili sa Dubai, mag-isang hinaharap ang hirap ng pagbubuntis ay talagang nakapag pabago ng emosyong nararamdaman ko. Nang pumasok si Sebastian sa sala ng villa ni Ahmed, hindi ako tumayo. Nanatili akong nakaupo, nakadekwatro, habang dahan-dahang humihigop ng tsaa. Ang maluwag kong suot na Abaya ay sapat na para itago ang aking tiyan na pitong buwan na. Sa paningin niya siguro, tumaba lang ako dahil sa ganda ng buhay dito. "Hana," tawag niya. Kung ipapaliwanag ko ang boses ni Sebastian, ito ay tila basag at puno ng pangungulila. Tumingin ako sa kanya ng walang ni isang kislap sa mga mata ko. Walang galit. Tanging kawalan lang ng pakialam. "Ano pang ginagawa mo rito, Mr. Valderama? Hindi mo ba nakikita? Busy ako." "Hana, pakinggan mo ako," lumapit siya, sinubukan niyang hawaka
Pitong buwan na ang lumipas simula nang talikuran ko ang Pilipinas at ang lahat ng sakit na dulot ni Sebastian. Sa pitong buwan na iyon, natutunan kong bumangon sa gitna ng init ng Dubai. Hindi naging madali ang magsimula nang mag-isa, lalo na’t bitbit ko sa aking sinapupunan ang bunga ng isang gabing puno ng kasalanan at pag-ibig. Ang aking tiyan ay malaki na ngayon. Ayon sa doktor, isang malusog na baby girl ang dinadala ko. Sa tuwing sumisipa siya, naaalala ko ang mga mata ni Sebastian, matapang at puno ng buhay. Ngunit mabilis ko ring iwinawaksi ang isiping iyon. Hindi na siya bahagi ng buhay namin. "Hana, you're daydreaming again," isang malumanay na boses ang bumulaga sa akin. Si Ahmed. Sa loob ng pitong buwan, hindi niya ako iniwan. Siya ang nag-ayos ng aking trabaho bilang administrative assistant sa isa sa kanyang mga kumpanya. Hindi siya nagtanong nang marami tungkol sa nakaraan ko, bagaman alam niyang may malalim akong sugat na dala. "Pasensya na, Ahmed. Napagod lan
Hindi ako mapakali sa loob ng penthouse. Lakad ako nang lakad habang hinihintay ang pagbabalik ni Sebastian. Ang lakas ng ulan sa labas, parang nakikisama sa kaba na nararamdaman ko. "Sebastian, huwag kang pumunta nang mag-isa," pakiusap ko sa kanya bago siya umalis. Nakasuot siya ng itim na jacket at seryoso ang kanyang mukha. "Kailangan kong umalis. Hawak ni Marcus ang buhay ng tatay mo," sagot niya habang hinahawakan ang mukha ko. "Dito ka lang. Ligtas ka rito." tango lang ang tanging naisagot ko kahit pa kitang kita sa mukha ko ang takot at pag-aalala. "Paano kung may mangyaring masama sa iyo?" hindi ko na napigilan ang bigat na nararamdaman ko kaya naitanong ko na lamang bigla ang mga ito. "Babalik ako, Hana. Pangako," huling sabi niya bago siya tuluyang lumabas. --- Dumating si Sebastian sa isang abandonadong simbahan. Doon, naghihintay ang pinsan niyang si Marcus. Hawak ni Marcus ang isang remote. Isang pindot lang, mamamatay ang tatay ni Hana sa ospital dahil mat
Nagising ako sa isang malamig at matigas na semento. Ang ulo ko ay parang binibiyak sa sakit dahil sa kemikal na naamoy ko kanina, at ang paligid ay nababalot ng amoy ng kalawang at napanis na tubig-dagat. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, ngunit mahigpit itong nakatali sa isang bakal na inuupuan ko. Ang bawat paggalaw ko ay nagdudulot ng hapdi sa aking mga pulso dahil sa gasgas ng magaspang na lubid. "Gising na ang munting prinsesa ni Valderama," isang boses ang bigla kong narinig sa katahimikan ng madilim na bodega. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Sa harap ko ay nakatayo ang tatlong lalaki. Ang isa ay may hawak na kutsilyo, habang ang isa naman ay tila may tinitingnan sa isang laptop, ang liwanag ng screen ay nagbibigay ng nakakatakot na anino sa kanyang mukha. "Anong kailangan niyo sa akin?" paos kong tanong. Tuyot na ang lalamunan ko at halos hindi ako makapagsalita. "Simple lang, Hana. Isang daang milyon kapalit ng video mo at ng kalayaan mo. Pero ha
Ang bawat segundo matapos matanggap ang mensaheng iyon ay parang paghila sa akin patungo sa ilalim ng lupa. Ang katahimikan sa loob ng penthouse ay nakabibingi. Nakatitig si Sebastian sa screen ng cellphone ko, kitang kita ang pag igting ng kanyang panga hanggang sa makita ko ang mga ugat sa kanyang leeg."Sebastian, anong gagawin natin?" nangangamba kong tanong. Hindi talaga ako mapakali kaya naisip ko na lamang kausapin si Sebastian. "Kapag napanood ni Tatay ang video... mamatay siya sa sama ng loob. Hindi niya kakayanin at hindi ko rin kakayanin." Hindi ko na mapigilan ang pag agos ng tubig sa mga mata ko. Humarap siya sa akin. Wala na ang malambot na Sebastian na yumayakap sa akin tuwing gabi. Ang nakaharap ko ngayon ay ang bilyonaryong walang awa, ang lalaking kayang sunugin ang buong mundo makuha lang ang gusto niya. "Walang makakaalam, Hana. Titapusin ko ito," malamig niyang sabi. Kinuha niya ang kanyang sariling telepono at may tinawagan."Anong wala? May nakaalam na ng
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang maging bilanggo ako sa gintong hawla ni Sebastian Valderama. Ang buhay ko ay nahahati na sa dalawang mundo: sa umaga, ako ang kanyang masunuring personal assistant na laging nakasunod sa bawat hakbang niya sa loob ng Valderama Towers at sa kaniyang opisina. Sa gabi naman, ako ang kanyang munting sekreto sa loob ng penthouse na abot-langit ang ganda.Ngunit ang bawat magandang damit na isinusuot ko at bawat mamahaling pagkain na inihahain sa harap ko ay hindi ko malasahan. Unti-unti akong nilalamon ng konsenya. Isang hapon, habang inaayos ko ang mga schedule ni Sebastian, pumasok siya sa aking opisina. Ang mukha niya ay seryoso, walang kung anong emosyon ang makikita o mararamdaman dito. "Mag-empake ka," utos niya. "Uuwi tayo sa inyo ngayong gabi. Magkakaroon ng thanksgiving dinner ang pamilya mo para sa paggaling ng tatay mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Eh ang alam ng parents ko nasa bahay nya ako ah. "Ano? Sebastian,







