LOGINTatlong linggo na ang nakalipas simula nang maging bilanggo ako sa gintong hawla ni Sebastian Valderama. Ang buhay ko ay nahahati na sa dalawang mundo: sa umaga, ako ang kanyang masunuring personal assistant na laging nakasunod sa bawat hakbang niya sa loob ng Valderama Towers at sa kaniyang opisina. Sa gabi naman, ako ang kanyang munting sekreto sa loob ng penthouse na abot-langit ang ganda.
Ngunit ang bawat magandang damit na isinusuot ko at bawat mamahaling pagkain na inihahain sa harap ko ay hindi ko malasahan. Unti-unti akong nilalamon ng konsenya. Isang hapon, habang inaayos ko ang mga schedule ni Sebastian, pumasok siya sa aking opisina. Ang mukha niya ay seryoso, walang kung anong emosyon ang makikita o mararamdaman dito. "Mag-empake ka," utos niya. "Uuwi tayo sa inyo ngayong gabi. Magkakaroon ng thanksgiving dinner ang pamilya mo para sa paggaling ng tatay mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Eh ang alam ng parents ko nasa bahay nya ako ah. "Ano? Sebastian, hindi ko kaya. Hindi ko kayang humarap kay Tatay habang kasama ka. Baka makita nila sa mga mata ko ang lahat ng kasalanang ginagawa natin at isa pa, ang alam nila nasa bahay lang ako." Lumapit siya sa akin, ang bawat hakbang niya ay puno ng awtoridad. Idinikit niya ako sa pagitan ng mesa at ng kanyang katawan. Hinawakan niya ang aking baba saka ito itinaas para magpantay ang aming tingin. "Alam nilang nasa bahay kita at bumisita ka roon. Kailangan nating ipakita na normal ang lahat. Isipin mo na lang, isa itong palabas. Ako ang mabait na 'Kuya Ian' na tumulong sa inyo, at ikaw ang anak na maswerte sa trabaho. Huwag kang gagawa ng kahit anong ikapapahamak natin. Maliwanag?" Teka, gumawa ng ikapapahamak? E sya na ata tong hindi makatiis e. Wala akong nagawa kundi tumango. Sa loob ng sasakyan, habang binabaybay namin ang daan pabalik sa maliit naming baryo, hindi ako makahinga nang maayos. Ang bawat pamilyar na kanto ay parang nanunumbat sa akin. Sinalubong kami ni Nanay ng mahigpit na yakap. Si Tatay naman ay nakatayo na, medyo mahina pa pero kitang kita ang tuwa sa kanyang mukha. "Sebastian! Salamat at nakarating ka, anak!" sigaw ni Tatay. Halika, pasok kayo. Hana, napakaganda mo lalo ngayon. Mukhang maganda ang pag-aalaga sa iyo sa kumpanya." "Opo, Tay," pilit akong ngumiti at bumuntong hininga. Gusto kong umiyak. Gusto kong isigaw na 'Tay, kunin mo na akong sa lalaking ito. Nagsimula ang kainan. Nagluto si Nanay ng paborito naming sinigang. Habang nagkukuwentuhan sila, naramdaman ko ang kamay ni Sebastian sa ilalim ng mesa. Hinawakan niya ang hita ko, at dahan-dahang gumagapang pataas habang patuloy siyang nakikipag-usap ng seryoso kay Tatay. "Napakalaki ng tulong mo sa amin, Sebastian," sabi ni Tatay. "Hindi namin alam kung paano ka mababayaran sa limampung milyong piso para sa operasyon ko." "Wala po 'yon, Tay," sagot ni Sebastian, habang mas hinihigpitan ang hawak sa akin sa ilalim ng mesa. "Si Hana naman po ang nagtatrabaho nang maigi para roon. Mahalaga sa akin ang pamilya niyo... lalo na ang anak niyo." Uminit ang buong mukha ko. Ang bawat salita niya ay parang gusto niyang ipaalam sa buong mundo kung anong meron kami. Pakiramdam ko ay lulubog ako sa kinauupuan ko dahil sa tindi ng tensyon. Matapos kumain, naiwan kaming tatlo sa sala habang si Nanay ay naghuhugas ng pinggan. Kinuha ni Tatay ang isang lumang photo album para ipakita kay Sebastian ang mga litrato namin noong bata pa kami. "Tingnan mo ito, Sebastian. Dito, mukha kayong magkapatid talaga," tawa ni Tatay. Sa sobrang kaba ko, nahulog ko ang aking cellphone mula sa bulsa. Mabilis itong pinulot ni Tatay. Ngunit bago ko pa ito maagaw, bumukas ang screen. Isang litrato namin ni Sebastian ang lumabas—isang 'selfie' na kinuha niya habang natutulog ako sa braso niya sa penthouse. Sa litratong iyon, malinaw na hindi kami magkapatid. Halata ang pagmamahal at pagnanasa. "Ano ito, Hana?" tanong ni Tatay, lumabo ang saya sa kanyang mga mata. "Bakit ganito ang litrato niyo ni Sebastian?" Tumingin si Tatay kay Sebastian, pagkatapos ay sa akin. Ang katahimikan sa loob ng bahay ay naging bingi. Ang hininga ko ay tila tumigil. "Tay," mabilis na singit ni Sebastian, ang boses niya ay kalmado pero bakas ang talim. "Iyan po ay kuha sa isang company outing. Nagkaroon po ng acting workshop para sa mga empleyado, at kailangan po naming mag-pose nang ganyan para sa isang eksena. Pasensya na po kung mukhang nakakalito." Tinitigan kami ni Tatay nang matagal. Alam kong may duda sa kanyang mga mata, isang klaseng duda na tila nanggagaling sa instinct ng isang magulang. "Ganoon ba? Mag-ingat ka, Hana. Huwag mong kakalimutan kung sino ka, at kung ano ang relasyon niyo ni Sebastian." "Opo, Tay, Huwag po kayong mag-alala, alam ko po kung saan ako lulugar." bulong ko, habang nanginginig ang mga kamay. Nagpaalam na kami ni Sebastian dahil kailangan daw naming bumalik sa city para sa isang emergency meeting. Pagpasok namin sa kotse, doon lang ako nakahinga nang maluwag, pero ang takot ko ay hindi nawala. "Muntik na tayo roon," sabi ko, habang umiiyak. "Sebastian, hindi ko na kaya. Parang sasabog ang puso ko sa takot." Hindi siya sumagot. Pinatakbo niya ang sasakyan nang napakabilis. Nang makarating kami sa penthouse, bago pa kami makapasok, tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ang message ngunit nagulat ako nang makita ko ang numerong hindi naman naka rehistro sa cellphone ko. "Nakita ko kayo sa bar noong gabi ng auction. Alam ko kung anong ginagawa niyo sa penthouse. Isang maling galaw, at ipadadala ko ang video ng kalaswaan niyo sa tatay mo. Maghanda ka ng sampung milyon sa loob ng dalawang araw." Nabitawan ko ang cellphone ko sa sahig ng elevator. Ang aming lihim ay hindi na lihim. May nakakaalam. May nanonood sa amin sa dilim. "Hana, anong meron?" tanong ni Sebastian, pinulot niya ang cellphone at binasa ang message. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha. Mula sa pagiging kalmado, naging isang halimaw ang kanyang ekspresyon. Ang mga mata niya ay nag-apoy sa galit. "May ideya ka ba kung sino ang pwedeng gumawa nito?" naiiyak ko nang sabi. "Huwag kang matakot, Hana," sabi niya, habang niyayakap ako nang napakahigpit. " Hahanapin ko kung sino ang taong ito. At sisiguraduhin kong hinding-hindi na niya uulitin pa ang ginawa niyang ito." Ngunit sa likod ng aking isip, alam ko. Nagsisimula pa lang ang tunay na bangungot. Ang aming bawal na pag-ibig ay hindi lang sisira sa amin, kundi maaari ring pumatay sa mga taong mahal namin.Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lamig na nararamdaman ko ngayon. Habang nakatingin ako sa salamin, hindi ko na makilala ang babaeng dati ay umiiyak dahil sa pag-ibig. Ang pitong buwan kong pananatili sa Dubai, mag-isang hinaharap ang hirap ng pagbubuntis ay talagang nakapag pabago ng emosyong nararamdaman ko. Nang pumasok si Sebastian sa sala ng villa ni Ahmed, hindi ako tumayo. Nanatili akong nakaupo, nakadekwatro, habang dahan-dahang humihigop ng tsaa. Ang maluwag kong suot na Abaya ay sapat na para itago ang aking tiyan na pitong buwan na. Sa paningin niya siguro, tumaba lang ako dahil sa ganda ng buhay dito. "Hana," tawag niya. Kung ipapaliwanag ko ang boses ni Sebastian, ito ay tila basag at puno ng pangungulila. Tumingin ako sa kanya ng walang ni isang kislap sa mga mata ko. Walang galit. Tanging kawalan lang ng pakialam. "Ano pang ginagawa mo rito, Mr. Valderama? Hindi mo ba nakikita? Busy ako." "Hana, pakinggan mo ako," lumapit siya, sinubukan niyang hawaka
Pitong buwan na ang lumipas simula nang talikuran ko ang Pilipinas at ang lahat ng sakit na dulot ni Sebastian. Sa pitong buwan na iyon, natutunan kong bumangon sa gitna ng init ng Dubai. Hindi naging madali ang magsimula nang mag-isa, lalo na’t bitbit ko sa aking sinapupunan ang bunga ng isang gabing puno ng kasalanan at pag-ibig. Ang aking tiyan ay malaki na ngayon. Ayon sa doktor, isang malusog na baby girl ang dinadala ko. Sa tuwing sumisipa siya, naaalala ko ang mga mata ni Sebastian, matapang at puno ng buhay. Ngunit mabilis ko ring iwinawaksi ang isiping iyon. Hindi na siya bahagi ng buhay namin. "Hana, you're daydreaming again," isang malumanay na boses ang bumulaga sa akin. Si Ahmed. Sa loob ng pitong buwan, hindi niya ako iniwan. Siya ang nag-ayos ng aking trabaho bilang administrative assistant sa isa sa kanyang mga kumpanya. Hindi siya nagtanong nang marami tungkol sa nakaraan ko, bagaman alam niyang may malalim akong sugat na dala. "Pasensya na, Ahmed. Napagod lan
Hindi ako mapakali sa loob ng penthouse. Lakad ako nang lakad habang hinihintay ang pagbabalik ni Sebastian. Ang lakas ng ulan sa labas, parang nakikisama sa kaba na nararamdaman ko. "Sebastian, huwag kang pumunta nang mag-isa," pakiusap ko sa kanya bago siya umalis. Nakasuot siya ng itim na jacket at seryoso ang kanyang mukha. "Kailangan kong umalis. Hawak ni Marcus ang buhay ng tatay mo," sagot niya habang hinahawakan ang mukha ko. "Dito ka lang. Ligtas ka rito." tango lang ang tanging naisagot ko kahit pa kitang kita sa mukha ko ang takot at pag-aalala. "Paano kung may mangyaring masama sa iyo?" hindi ko na napigilan ang bigat na nararamdaman ko kaya naitanong ko na lamang bigla ang mga ito. "Babalik ako, Hana. Pangako," huling sabi niya bago siya tuluyang lumabas. --- Dumating si Sebastian sa isang abandonadong simbahan. Doon, naghihintay ang pinsan niyang si Marcus. Hawak ni Marcus ang isang remote. Isang pindot lang, mamamatay ang tatay ni Hana sa ospital dahil mat
Nagising ako sa isang malamig at matigas na semento. Ang ulo ko ay parang binibiyak sa sakit dahil sa kemikal na naamoy ko kanina, at ang paligid ay nababalot ng amoy ng kalawang at napanis na tubig-dagat. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, ngunit mahigpit itong nakatali sa isang bakal na inuupuan ko. Ang bawat paggalaw ko ay nagdudulot ng hapdi sa aking mga pulso dahil sa gasgas ng magaspang na lubid. "Gising na ang munting prinsesa ni Valderama," isang boses ang bigla kong narinig sa katahimikan ng madilim na bodega. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Sa harap ko ay nakatayo ang tatlong lalaki. Ang isa ay may hawak na kutsilyo, habang ang isa naman ay tila may tinitingnan sa isang laptop, ang liwanag ng screen ay nagbibigay ng nakakatakot na anino sa kanyang mukha. "Anong kailangan niyo sa akin?" paos kong tanong. Tuyot na ang lalamunan ko at halos hindi ako makapagsalita. "Simple lang, Hana. Isang daang milyon kapalit ng video mo at ng kalayaan mo. Pero ha
Ang bawat segundo matapos matanggap ang mensaheng iyon ay parang paghila sa akin patungo sa ilalim ng lupa. Ang katahimikan sa loob ng penthouse ay nakabibingi. Nakatitig si Sebastian sa screen ng cellphone ko, kitang kita ang pag igting ng kanyang panga hanggang sa makita ko ang mga ugat sa kanyang leeg."Sebastian, anong gagawin natin?" nangangamba kong tanong. Hindi talaga ako mapakali kaya naisip ko na lamang kausapin si Sebastian. "Kapag napanood ni Tatay ang video... mamatay siya sa sama ng loob. Hindi niya kakayanin at hindi ko rin kakayanin." Hindi ko na mapigilan ang pag agos ng tubig sa mga mata ko. Humarap siya sa akin. Wala na ang malambot na Sebastian na yumayakap sa akin tuwing gabi. Ang nakaharap ko ngayon ay ang bilyonaryong walang awa, ang lalaking kayang sunugin ang buong mundo makuha lang ang gusto niya. "Walang makakaalam, Hana. Titapusin ko ito," malamig niyang sabi. Kinuha niya ang kanyang sariling telepono at may tinawagan."Anong wala? May nakaalam na ng
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang maging bilanggo ako sa gintong hawla ni Sebastian Valderama. Ang buhay ko ay nahahati na sa dalawang mundo: sa umaga, ako ang kanyang masunuring personal assistant na laging nakasunod sa bawat hakbang niya sa loob ng Valderama Towers at sa kaniyang opisina. Sa gabi naman, ako ang kanyang munting sekreto sa loob ng penthouse na abot-langit ang ganda.Ngunit ang bawat magandang damit na isinusuot ko at bawat mamahaling pagkain na inihahain sa harap ko ay hindi ko malasahan. Unti-unti akong nilalamon ng konsenya. Isang hapon, habang inaayos ko ang mga schedule ni Sebastian, pumasok siya sa aking opisina. Ang mukha niya ay seryoso, walang kung anong emosyon ang makikita o mararamdaman dito. "Mag-empake ka," utos niya. "Uuwi tayo sa inyo ngayong gabi. Magkakaroon ng thanksgiving dinner ang pamilya mo para sa paggaling ng tatay mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Eh ang alam ng parents ko nasa bahay nya ako ah. "Ano? Sebastian,







