LENA's POV Mondragon Grand Estate, One week later… Isang engrandeng family dinner ang inihanda sa gabing iyon. Gaya ng nakasanayan sa pamilyang Mondragon, kailangang kumpleto ang lahat tuwing family dinner, walang maaaring lumiban maliban na lamang kung may napakahalagang dahilan. Pagdating namin ni Cullen sa dining hall, nadatnan na namin sina Don Gerbacio at Donya Emie na nakaupo sa tapat ng mahaba at mamahaling hapag-kainan. Mukhang hinihintay na lang nila ang pagdating namin. Maraming pagkain ang nakahain, halatang espesyal ang gabing iyon. “Good evening,” bati namin ni Cullen. Tumango naman ang mag-asawa bilang tugon. Tahimik kaming naupo sa nakasanayan naming pwesto. Ngunit hindi ko alam kung bakit, awtomatikong napasulyap ako sa bakanteng upuan sa tapat ko. Ang upuan ni Caelus. Isang linggo na ang nakalipas mula nang mabalitaan ko ang engagement niya kay Julie Luciano. At hanggang ngayon, parang hindi pa rin iyon lubusang nagsi-sink in sa akin. I tried to ke
اقرأ المزيد