Kinabukasan, habang nakasakay sila sa tricycle, pilit na kinokontrol ni Mae ang sarili niyang paghinga. Hawak niya ang maliit na bag na may pera at cellphone, pero ang isip niya ay umiikot sa kung ano ang mangyayari. Si Vanessa naman ay tahimik lang sa tabi niya, halatang nakatuon sa daan at sa pag-aalaga sa kaniya, pero alam niyana iniisip din nito ang lahat, ang bawat detalye at ang bawat posibilidad.Pagpasok nila sa botika, ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Napatingin siya sa mga pregnancy test sa display, at parang lahat ay nagiging mas matindi, may kaba, may guilt, may takot sa kung ano ang sasabihin ng lahat, at lalo na sa Mommy niya. Pinilit niyang huminga nang malalim bago sila tumungo sa counter.“Dalawa na lang pong ganito,” sabi ni Vanessa sa pharmacist, habang siya naman ay nagkikibit-balikat at hawak ang wallet niya. Kahit simpleng pangungusap lang iyon, ramdam niya ang tibok ng puso niya na parang may malakas na tunog sa tenga. Para bang bawat segundo ay humihila s
Read more