Napayuko si Mae, ramdam pa rin ang bigat ng mga matang kanina lang ay nakatutok sa kanya, pero unti-unti itong napapalitan ng kakaibang lakas dahil sa ginawa ng Lola niya. Tahimik ang paligid, tanging hampas ng alon at mahinang ugong ng hangin ang maririnig, na para bang kusang nagbigay ng pahinga sa tensyon na sandaling nabuo. Napahigpit ang hawak niya sa laylayan ng damit niya, habang pilit inaayos ang sarili.“Pasensya na, Nati,” biglang sabi ng matandang mangingisda, medyo nahihiya ang tono habang kinakamot ang batok nito. “Napatanong lang, wala namang masama,” dagdag nito, saka bahagyang umiwas ng tingin, tila naiilang sa nangyari. Isa-isa ring nagbalik sa ginagawa ang mga kasama nito, pero may ilan pa ring pasulyap-sulyap kay Mae na hindi niya maiwasang mapansin.Dahan-dahang hinawakan ng Lola niya ang braso niya, parang senyales na umalis na sila roon. “Halika na, apo,” malumanay nitong sabi, at hindi na nagdalawang-isip si Mae na sumunod, parang gusto na rin niyang makalayo s
Read more