Hindi na niya sinubukang pigilan pa ang paghinga niyang pabigat nang pabigat, o ang init na unti-unting kumakalat sa bawat himaymay ng katawan niya.Dahil kahit wala silang sinasabi, kahit puro tingin lang at mahinang hininga ang nag-uugnay sa kanila ay sapat na iyon.Ramdam niya ang init na parang dumadaloy sa pagitan nila. Ang tensyon na unti-unting humihigpit, parang may sariling buhay. At ang lalim ng sandaling hindi na nila kayang takasan.“Mae…” halos pabulong na tawag ni Kent, paos ang boses, tila pinipigilan din ang kung anong bumabagabag sa kanya.Napadilat siya, bahagyang nakapikit kanina, tila nalulunod sa sariling damdamin.“Hmm…” sagot niya, halos hindi marinig, kasabay ng marahang pag-angat ng dibdib niya sa bawat hingal.Saglit na natahimik si Kent. Hindi ito gumalaw. Hindi ngumiti. Ngunit may nag-iba sa mga mata nito ay isang uri ng desisyon na biglang tumigas at luminaw, parang may linya itong tinawid sa isip niya.“Hindi ko na kaya ‘to sa screen lang,” bigla nitong s
최신 업데이트 : 2026-03-20 더 보기