Bradley“I’m sorry to keep you waiting,” sabi ng lalaking bagong dating habang bahagyang hinihingal na tila nagmamadaling makarating sa café.Tahimik ko lamang siyang tiningnan habang mabilis na pinag-aaralan ang kabuuan niya. Kaswal lang ang suot niya kaya hindi ko malaman kung ano ba ang pwedeng maging sadya niya kay Jenelyn.Napansin kong napatingin siya sa upuang inuupuan ko kaya agad akong tumayo.“Here,” sabi ko habang lumilipat sa tabi ni Jenelyn.“Thanks,” tugon niya bago naupo.Agad akong tinaasan ng kilay ni Jenelyn nang maramdaman niya ang pag-upo ko sa tabi niya, ngunit ngumisi lamang ako na para bang wala akong napansing kakaiba sa reaksyon niya.Bumaling siya sa akin at pilit na casual ang tono nang magsalita. “Hindi ka ba busy? Wala kang ibang pupuntahan?”“Wala,” sagot ko habang komportableng sumasandal sa upuan. “Nagpunta talaga ako dito para magkape.”Bahagya pa akong ngumiti pagkatapos kong sabihin iyon, ngunit sa totoo lang ay wala akong balak umalis. There’s no way
Read more