LOGINImbis na magtrabaho ka sa sarili mong kumpanya ay sumama ka kay Jenelyn. Ayan tuloy, lalo kang na-fall.
JenelynAng bilis ng panahon. Pakiramdam ko ay kailan lamang nang dumating ako sa mansyon ng mga Salazar dala ang pagkainis at pagtutol sa plano ni Lolo, ngunit ngayon ay malapit nang matapos ang unang semester.Marami nang nangyari sa loob ng ilang buwan. Kung minsan ay napapaisip ako kung paano nagawang baguhin ng iilang tao ang direksyon ng buhay ko nang hindi ko namamalayan.Naging maayos na rin ang sitwasyon nina Marie. Totoo sa sinabi niya, hindi siya pumayag na hayaan na lamang ang lahat ng naitulong ko sa pamilya nila. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi naman kailangang bayaran ang mga iyon, patuloy pa rin siyang naghuhulog ng pera sa account ko.Hindi man kalakihan ang halaga, alam kong mahalaga iyon para sa kanya at sa kanilang pamilya. Nakausap ko na rin ang ama niya matapos itong makauwi mula sa ospital. Halos hindi nito maitago ang pasasalamat habang kausap ko siya. Sa huli ay tinanggap ko na lamang ang gusto nilang gawin dahil alam kong hindi iyon tungkol sa pera ku
JenelynNaglalakad ako papunta sa classroom para sa first subject ko nang bigla na lamang may yumakap sa akin mula sa gilid. Dahil sa gulat ay napahinto ako sa paglalakad at muntik pang mawalan ng balanse. Nang makilala ko kung sino iyon ay agad na napalitan ng pagtataka ang gulat ko.“Jen!” umiiyak na tawag ni Marie sa pangalan ko habang mahigpit akong niyayakap.Napakurap ako at agad siyang hinawakan sa magkabilang balikat. “Uy, anong nangyayari sa’yo?” tanong ko habang sinusubukang tingnan ang mukha niya.Gayunpaman, lalo lamang siyang kumapit sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan at ang mahinang paghikbi na pilit niyang pinipigilan. Ilang estudyante na rin ang napapalingon sa amin habang naglalakad sa hallway. May ilan pang halatang nagtataka kung bakit umiiyak si Marie sa umagang iyon.“Thank you,” sabi niya sa pagitan ng kanyang paghikbi. “Sobrang thank you talaga, Jen.”Hindi ko napigilang mapangiti. Dahan-dahan ko siyang niyakap pabalik at marahang hinagod ang
BradleyNag-angat ng ulo si Mr. Ledesma at direkta itong tumingin kay Jenelyn.Sa loob lamang ng isang segundo ay nakita ko ang bahagyang pagkabigla sa mukha nito bago agad na napalitan ng respeto.Respect na hindi basta-basta ipinapakita ng isang COO.Respect na para lamang sa taong mas mataas ang posisyon kaysa sa kanya.At iyon ang eksaktong problema.Dahil bago pa man makapagsalita si Mr. Ledesma, bahagyang tumaas ang kilay ni Jenelyn at halos hindi mahahalatang umiling.Maliit na galaw lamang ngunit malinaw ang mensahe.Huwag mo akong tawaging boss.Napalunok si Mr. Ledesma.Kitang-kita ko iyon.Parang estudyanteng nahuling nangongopya ng kanyang principal.Sandaling naglihis ang tingin nito.Tila naghahanap ng tamang sasabihin.At sa unang pagkakataon mula nang dumating siya, mukhang hindi niya alam kung ano ang gagawin.Nagulat pa nga ito nang magsalita si Mr. Montez.“Mr. Ledesma,” tawag ng matandang lalaki. Halata ang tensyon sa boses nito. “Sinong boss ang sinasabi mo?”Tahim
BradleyKung maaari lamang akong tumawa nang malakas sa mismong sandaling iyon, baka ginawa ko na.Hindi dahil nakakatawa ang sitwasyon kundi dahil sa sobrang kabalintunaan ng lahat.Narito sina Clarabelle at Mr. Montez, buong kumpiyansang ipinagmamalaki ang koneksyon nila sa Zeus Air habang minamaliit ang babaeng nakatayo sa harapan nila. Para bang isa lamang siyang ordinaryong empleyado na desperadong kumapit sa trabaho niya sa Salazar Group.Samantalang ang babaeng iyon...Ay siya mismong chairwoman ng Zeus Air.At ang mas nakakainis pa, galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa sasakyan kanina.Kung hindi lang talaga siya nagtampo dahil sa usapin tungkol sa cellphone ko, baka matagal na niyang pinatigil ang mag-amang ito. Ngunit dahil kilala ko si Jenelyn, alam kong wala siyang balak magsalita agad.Kapag ganito siya katahimik, may dalawang posibilidad lamang.Maaaring wala siyang pakialam. O kaya naman ay hinahayaan niyang ibaon ng kausap niya ang sarili nito sa mas malalim n
BradleyTahimik kong pinagmasdan si Jenelyn na nakaupo sa tabi ko sa backseat ng sasakyan.Papunta kami sa isang restaurant para sa mahalagang meeting, ngunit sa halip na isipin ko ang kontratang pag-uusapan mamaya, ang atensyon ko ay paulit-ulit na bumabalik sa kanya.Partikular sa suot niya.Nakasuot siya ng high-waisted pants na bumabagay sa kanyang katawan at isang crop top na hindi naman masasabing sobrang revealing. Gayunpaman, sapat iyon para mapansin ko ang bahagyang paglitaw ng kanyang maputing baywang sa tuwing gagalaw siya.At gaya ng inaasahan, bago pa man ako makapagbigay ng kahit anong komento ay tinaasan na niya ako ng kilay.Parang alam na alam niya ang nasa isip ko.Parang nababasa niya ako.“Ano?” tanong niya.Bahagya akong umiling.“Wala.”“Sinungaling.”Napabuntong-hininga na lang ako.Hindi na ako nagtangkang makipagtalo dahil alam kong mauuwi lang iyon sa argumentong siya rin naman ang mananalo.Habang iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag na ayaw ko lang na masya
JenelynCurious na curious ako sa dahilan ng pagpunta ni Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit interesado ako. Una, pamilyar ang apelyido niya. Pangalawa, kasama ang larawan niya sa mga dokumentong ibinigay sa akin ni Matt. Kahit pa hindi ko agad maalala kung saan ko nakita ang mukha niya, sigurado akong hindi ako nagkakamali.Habang iniisip ko iyon ay nakita kong nakapasok na si Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Samantala, ako naman ay nanatiling nakaupo sa mesa ko.Ilang segundo akong nakatitig sa saradong pinto ng opisina bago tuluyang kinuha ang cellphone ko.Kung may makakasagot man sa tanong ko, si Matt iyon.Agad kong hinanap ang pangalan niya at pinindot ang call button.Hindi pa man umaabot sa ikatlong ring ay sinagot na niya ang tawag.“Baby Jen!”Napapikit agad ako.“Baby Jen!” ulit niya nang mas malakas.Pagkatapos ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.“Ay, Jen lang pala. Baka magalit ang future husband mo.”Napailing ako habang
Jenelyn“Meet my friends—Den Den, Jon, and Chris.”Isa-isang itinuro ni Lex ang tatlong lalaking nasa likod niya, na agad ding ngumiti sa amin na parang matagal na kaming magkakakilala.“Hi!” sabay-sabay nilang bati, halos sabay pa sa pagtaas ng kamay.Napangiti ako, kahit papaano ay nawala ang kaun
Jenelyn“Hatid ko na kayo, Lo,” malambing kong alok habang nagtatangka akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Kahit nasa condo na ako ni Bradley, hindi pa rin pumayag si Lolo Ruel na hindi ako personal na ihatid. Para bang gusto niyang siguraduhin—hindi lang kung saan ako titira, kundi kung kanino niya
Jenelyn“Jen, hindi ako pwedeng pumayag na mag-isa ka lang na manirahan. Ano na lang ang sasabihin ng Lolo mo?” mahinahon ngunit matigas na sabi ni Lolo Ruel, habang nakatingin siya sa akin na para bang sinusubukang basahin kung hanggang saan ang kaya kong ipaglaban.Nasa sala kaming tatlo, at kahit
Bradley“Wahahaha!!! I got you!”Isang malakas at walang prenong tawa ang sumabog sa kabilang linya, sapat para mapangiwi ako at bahagyang mailayo ang cellphone sa tenga ko. Hindi iyon simpleng tuwa—parang sinasadya niyang iparamdam sa akin na nanalo siya sa kung anong laro na ako lang pala ang hind







