JenelynSa loob ng private suite na inihanda para sa amin ni Bradley, tahimik kaming dalawa ni Tita Mildred.Ang tunay na Mildred Salazar.Kung may ibang taong makakakita sa amin ngayon, malamang ay hindi sila maniniwala na ang babaeng nasa harapan ko ang totoong Mildred. Napakaraming taon siyang nawala sa kanyang pamilya. Napakaraming taon ding ibang babae ang gumamit ng kanyang pangalan, mukha, at buhay.At ngayon, ilang sandali na lang ang natitira bago tuluyang mabunyag ang buong katotohanan.Tahimik akong naupo sa tabi niya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Kahit maayos na ang kanyang ayos at nakasuot na siya ng isang eleganteng evening gown na bagay na bagay sa kanya, hindi pa rin maitago ang kaba sa kanyang mga mata.Natural lang iyon.Hindi biro ang haharapin niya.Makalipas ang napakaraming taon, muli niyang makakaharap ang asawa niyang si Tito Alfonso, pati ang kanyang buong pamilya.Samantala, naiwan kaming dalawa rito matapos umalis si Bradley.Iniwan niya kami pansa
閱讀更多