Jenelyn“At kung gano'n nga, ano naman sa'yo?” kalmado kong tanong. Hindi ko gustong isipin ang nararamdaman niya para sa akin dahil naku naman, magkapatid sila ni Bradley.Hindi agad siya nakasagot. Sa halip, mabilis na lumapit si Christine at agad na pumulupot ang dalawang kamay niya sa braso ni Nathan, na para bang natatakot siyang may maagaw sa kanya.“Nathan, nandito ka na rin pala,” malambing nitong sabi habang mas lalo pang humihigpit ang kapit sa lalaki.Napailing na lang ako.Sa tingin ko, masyado nang nagiging possessive si Christine kay Nathan. Kung hindi ko lang alam ang totoong nangyayari, iisipin ko talaga na may relasyon sila.Hindi naman pinansin ni Nathan ang kilos niya. Nanatili pa rin ang tingin nito sa akin bago siya nagsalita.“Kakausapin ko si Kuya. Hindi ka niya puwedeng dinadala kung saan-saan lalo na at may klase ka.”Bahagya akong napangiti, pero hindi dahil natuwa ako sa sinabi niya. Ang totoo, medyo natatawa ako sa paraan niya ng pagsasalita, na para bang ma
Read more