Jenelyn Napansin ko ang direksyon ng tingin ni Celetse. Hindi na siya nakatingin sa akin. Bagkus, isa-isa niyang pinagmasdan sina Denise, Marie, Lex, DenDen, Jon at Chris. Ngunit higit sa lahat, napako ang mga mata niya sa mga wristwatch na hawak nila. Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa panghahamak ay napalitan iyon ng pagtataka. Bahagya pa siyang napahakbang palapit na para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. “Is that...?” Hindi niya naituloy ang sasabihin. Kitang-kita ko ang pagdududa sa kanyang mukha, ngunit makalipas lamang ang ilang segundo ay napailing siya at bahagyang natawa. “No... that's not it,” sabi niya habang nakataas ang isang sulok ng labi. “Imposibleng EmNagui Collection ang hawak n'yo, right?” Dahil sa sinabi niya ay napatingin na rin sina Christine at ang iba pa nilang kasama sa mga relo. Maging ang ilang estudyanteng nakapaligid sa amin ay tila naagaw na rin ang atensyon. Samantalang ako, tahimik lang na nakaupo at pina
Read more