Bradley“Charles, is that—”Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa inner pocket ng suot kong coat. Agad kong kinuha iyon at tinignan ng walang pag-aatubili.Sa totoo lang, inaasahan kong si Jenelyn ang makikita kong tumatawag. Hindi ko alam kung bakit, ngunit simula pa kanina ay ilang beses na siyang sumagi sa isip ko. Marahil dahil nasanay na akong marinig ang boses niya sa kalagitnaan ng araw o marahil dahil gusto ko lamang malaman kung kumusta siya sa ospital.Ngunit nang makita ko ang pangalan sa screen ay bahagya akong napabuntong-hininga.Si Lolo.Hindi ko maikakailang nakaramdam ako ng kaunting pagkadismaya, kahit alam kong wala naman akong dahilan para gawin iyon. Gayunpaman, agad ko pa ring sinagot ang tawag habang nagpatuloy sa paglalakad palabas ng restaurant kasama si Charles.“Hello, Lo,” bati ko.“Kasama mo ba si Jen?” agad niyang tanong sa kabilang linya.Napangiti ako nang hindi ko namamalayan.Hindi man lang ako kinumusta.
Magbasa pa