Bahagyang kumunot ang noo ni Isabelle pero hindi siya nagsalita. Hindi rin siya nagtanong agad. Sa halip ay tahimik lang siyang nakatingin sa anak niya, hinihintay na ipagpatuloy nito ang gusto nitong sabihin.“Mom, he was really doing everything to help me,” patuloy ni Natalia at muling bumuntong hininga bago muling nagsalita.Ramdam sa boses niya ang halo-halong emosyon...pasasalamat, hiya, at konting pagkalito.“Sa trabaho man o sa bahay tinutulungan niya ako.” Saglit siyang tumigil bago muling nagsalita, tila nag-iipon ng lakas ng loob."Well, that's good, right? So anong problema?" Mahinahong tanong ni Isabelle habang bahagyang nakahilig sa upuan niya, kalmado ang boses at puno ng pag-unawa.“Yun na nga yung problem, Mom. Gaya kanina… I found all my works already done habang tulog ako.” Bahagya siyang napailing dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kanina. “Nasa opisina ko lahat ng papeles na yun, pero nagising ako nandon na sa lamesa ko sa kwarto, tapos na rin lahat.
Last Updated : 2026-03-11 Read more