Chapter 72“Mabuti naman at maayos na kayong dalawa,” rinig ni Natalia nang pumasok siya sa dining area. It was her dad’s voice."Pagpasensyahan mo na ang anak namin na yun, ganon talaga siya. Kapag nakapag desisyon na ay yun na ang ginagawa. Mabuti na lang at pinuntahan mo siya kagabi dahil kung hindi mo siya pinuntahan, baka nga mag isang linggo o isang buwan siya rito," umiiling pang sambit ng mommy niya na rinig na rinig niya.Napahinto siya sandali sa may pintuan habang nakatingin sa kanila.Gusto niyang magprotesta at ipagtanggol ang sarili niya, na dapat siya ang kampihan nila dahil siya anak nila, pero sa huli ay hindi na lang niya yun ginawa.Nakaupo na ang mommy at daddy niya sa dining table, at si Emilio ay naroon na rin...nakaupo at mukhang matagal nang naghihintay.Mukhang kanina pa sila nagsisimula sana kumain pero siya na lang talaga ang hinihintay.Napairap siya nang agad siyang tingnan ni Emilio at saka ngumisi, ayun nanaman ang ngising nakakainis! Na para bang wala p
Last Updated : 2026-03-07 Read more