Chapter 55Tinitigan ni Natalia ang niluto niya.Matagal.Para bang may hahanapin siyang mali sa bawat detalye—kung tama ba ang pagkakaluto, kung sapat ba ang timpla, kung maayos ba ang pagkakaayos sa lalagyan, kung presentable ba itong tingnan para dalhin sa opisina ng asawa niya.Ilang beses pa niyang inikot ang baonan na pinaglagyan niya, inayos ang garnish, pinunasan ang gilid ng lalagyan kahit wala namang mantsa.Hindi siya pumasok ngayon sa trabaho para lang dito sa plano niyang ’to.She took a leave without her husband knowing because she suddenly wanted na bumawi kay Emilio.Hindi niya ito pinag-isipan nang matagal kagabi....bigla na lang siyang nagdesisyon paggising niya kanina.Parang may kung anong nagtulak sa kanya na gawin ito ngayon, hindi bukas, hindi sa susunod na linggo. Biglaan ang desisyon niya, halos impulsive, pero buo ang loob niya kanina.Kanina.Ngayon? Medyo hindi na.This past few days, talagang ramdam niya na hindi siya nag-iisa… sa bahay man o kaya sa traba
Last Updated : 2026-03-01 Read more