Sa una ay marahan lang.Parang sinusubok kung itutulak ba siya nito palayo.Parang hinihintay kung lalaban ba siya o mananatili.Ngunit nang hindi siya tinulak ni Natalia...sa halip ay napahawak pa sa balikat niya, bahagyang kumapit...lalong lumalim ang halik.Mainit, mabagal, at puno ng pinipigilang emosyon.Parang lahat ng inis, selos, at insecurities ay unti-unting natutunaw sa bawat pagdikit ng kanilang mga labi.At kahit ayaw niyang pumikit ay kusang pumikit ang mata niya nang maramdaman ang malalim na paghalik ng asawa niya, habang ang kamay nito ay agad nang pumulipot sa batok niya.Hindi iyon simpleng halik...may bigat, may diin, may halo ng selos at pagpipigil na kanina pa nila pinagtatalunan.Parang sa bawat pagdikit ng kanilang mga labi ay may gustong patunayan si Emilio, at may gustong marinig si Natalia.Ang isa pang kamay ni Emilio ay marahang dumulas sa beywang niya, hinila siya palapit, pinaparamdam na siya lang ang naroon.Na walang ibang babae.Walang nakaraan.Walan
Last Updated : 2026-03-04 Read more