MasukGoodmorning po
Chapter 180Kakatok na sana si Natalia, ngunit nang ilang pulgada na lamang ang layo ng kamao niya sa pinto ay napapikit siya.Bigla siyang napatigil sa kinatatayuan niya. Para bang may kung anong puwersang pumipigil sa kanya na ituloy ang gagawin. Ang simpleng pagkatok ay tila naging napakahirap gawin sa sandaling iyon.Napalunok siya.Huminga siya nang malalim habang pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso niya. Ngunit kahit ilang beses siyang huminga nang malalim ay hindi pa rin niya mapigilan ang kaba na unti-unting sumisiksik sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay lalo lamang lumalakas ang tibok ng puso niya habang nakatayo roon.Sa kabilang panig ng pintong iyon ay si Emilio.Ang lalaking ilang taon niyang hindi naalala.Ang lalaking nasaktan niya nang hindi niya sinasadya.At ngayon, matapos niyang mabawi ang mga alaala niya, muli niyang haharapin ang taong iyon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung paano magsisimula.Dahan-dahan niyang iminulat an
Chapter 179“Hi…” Alanganing pagbati ni Dianna sa kanya pagpasok nito sa kwarto kung saan siya sinabihan na pumasok nang lumapag ang chopper, pero halos kitang-kita ni Natalia ang gulat at pagkatigil ni Dianna nang mapasulyap ito sa nakaupo sa sofa.Ilang minuto pa lang noong nakarating sila at hindi naman sila pinaghintay ni Dianna nang matagal.Pero dahil hindi nag-iisa si Natalia sa loob ng kwarto ay hindi na mapigilan ni Dianna ang magulat.Para bang bigla itong napako sa kinatatayuan nito.Nakahawak pa ang isang kamay nito sa doorknob habang ang isa naman ay bahagyang nakataas, tila nakalimutan na nitong isara ang pinto.That kid is also looking at her kaya naman halos matuptop ni Dianna ang labi niya.Mula ulo hanggang paa ay pinagmasdan niya ang batang nasa sofa.Ang mga mata.Ang hugis ng mukha.Pati ang paraan ng pag-upo nito.At lalo na ang seryosong ekspresyon nito.Para siyang nakakita ng multo.“Omyghad,” she said with a shocked voice and look.Napakurap-kurap pa siya na
Chapter 178Ang bilis ng pangyayari.Pakiramdam ni Natalia ay hindi pa rin makahabol ang isip niya sa lahat ng sunod-sunod na nangyari.Mula sa pagbabalik ng alaala niya…Hanggang sa katotohanang ikakasal na si Emilio sa iba.At ngayon…Nasa loob na siya ng isang mamahaling hotel room habang nakaupo sa harap ng malaking television screen.She looked at the videos that played in front of her.Hotel ang nakalagay sa notes sa likod ng wedding picture.At ayon kay Drake, iyon ang isa sa mga pinakasikat na hotel sa isla.Nang makarating sila roon ay sinabi niya lang ang pangalan na nasa likod ng notes.Dianna Villaflor.Hindi niya kilala.Wala siyang kahit anong alam tungkol dito, pero wala naman siyang ibang choice kundi pumunta dahil sa kagustuhan nitong matapos na ang lahat at bumalik na sa Manila.At dahil gusto na niyang makauwi sa Manila…Dahil gusto niyang maintindihan ang lahat bago pa tuluyang mahuli ang lahat…Pinuntahan niya iyon.Nagbabakasakaling makakatulong ito para makabalik
Chapter 177She open her eyes, but tears started flowing as everything was already answered.Pagmulat pa lang ng mga mata niya ay parang sabay-sabay nang bumagsak ang lahat ng katotohanang pilit itinago ng isip niya.Lahat ng alaala.Lahat ng sakit.Lahat ng pagmamahal.At lahat ng dahilan kung bakit ganoon na lang kasakit tuwing nakikita niya si Emilio.Lahat ng paulit-ulit na tanong niya ay bigla na lang nabigyan ng kasagutan.Kung bakit parang may kulang sa buhay niya.Kung bakit parang may hinahanap ang puso niya.Kung bakit kahit hindi niya maalala noon ay tila kilalang-kilala na ng kaluluwa niya si Emilio.“Anong nararamdaman mo?”Napasulyap siya sa taong tumulong sa kanya noong mga panahon na wala man lang siyang alam sa lahat.Sa mga panahong hindi niya kilala ang sarili niya.Sa mga panahong si Drake ang nasa tabi niya habang sinusubukan niyang mabuhay ulit.And then she looked at Fiona who was too worried looking at her.Namumula ang mata nito at halatang matagal ding hindi n
Mabilis nitong ibinalik sa kanya ang envelope at mariing itinulak iyon pabalik sa harap niya.“Buksan mo ‘to,” mariin nitong sambit.Halos pakiusap.Pero may halong desperasyon.“Fiona—”“Alam kong wala ka nang pakealam sa nakaraan mo,” nanginginig nitong sambit habang diretso siyang tinitignan.“Pero pwede bang… pwede bang tignan mo ‘yan?”Huminga ito nang mabigat.Halatang pinipigilan din ang emosyon.“Hindi ako makakatulog nang matiwasay kapag hinayaan kitang hindi makita ‘yan.”Napapikit nang mariin si Natalia.Ayaw niya.Hindi niya alam kung bakit… pero natatakot siya.Sobrang natatakot.Natatakot siyang may malaman.Natatakot siyang may maalala.At higit sa lahat…Natatakot siyang baka biglang magkaroon ng saysay ang lahat ng gumugulo sa isip niya nitong mga nakaraang araw.Ang mga panaginip.Ang kakaibang sakit sa dibdib niya tuwing nakikita niya si Emilio at naiisip niya ito habang may kasamang babae.Ang pakiramdam na parang may kulang sa buhay niya kahit hindi niya alam kung
Madalas ay natatagpuan niya na lang ang sariling nakatulala sa dagat.Tahimik na nakatingin sa malayo habang pilit iniisip kung ano ba talaga ang naging buhay niya noon.Hindi niya kailanman naisip dati na mahalaga ang nakaraan niya.Tinanggap niya noon ang pagkawala ng alaala niya.Tinanggap niya na baka mas mabuting hindi na niya maalala.Pero ngayon…Pagkatapos ng lahat ng nangyari…Hindi niya na mapigilang magtanong.Sino ba talaga siya noon?Sino ang ama ng anak niya?Masaya ba siya noon bago siya mawalan ng alaala?May taong minahal ba siya nang totoo?O may taong iniwan niya?Napabuntong hininga siya nang muling sumakit ang ulo niya.Napapikit siya habang nanginginig ang kamay na dahan-dahang umangat para hawakan ang sentido niya.Heto na naman.Muli na naman iyong sakit.Pero sa pagkakataong iyon… parang mas mabigat.Mas matalim.Parang may pilit na bumabasag sa loob ng ulo niya.Humigpit ang hawak niya sa gilid ng mesa bago siya dahan-dahang tumayo.Hindi niya kayang mag-isip.
Chapter 29“I already know that Emilio was bound to marry someone, pero ang alam ko rin ay ikakasal na ’to, so why are you here? Bakit na sa halip na ang lalakeng rason ng paglayas mo ang pakasalan mo ay biglang si Emilio na? What's your planned? And why now?”Natigilan si Natalia sa paglalakad papu
Hindi niya gustong magmukhang nakikipag-agawan. Pero may kakaibang lakas na sumiksik sa kanya habang binibigkas niya ang apelyido.Napansin din naman ni Natalia ang pagtayo ng maayos ni Emilio at pagtitig nito sa kanya nito. Parang mas lalo itong naging tahimik habang pinapanood siya. Parang may sin
Chapter 27Kumunot ang noo ni Natalia nang makita kung paano niyakap ng kakarating lang na babae sa loob ng sala si Emilio, and Natalia saw how Emilio laugh because of that hug. \Hindi iyon yung simpleng beso-beso or friendly tap sa balikat...—yakap iyon na buong-buo, parang matagal na nilang ginag
Natigilan lang siya sa pagbubukas don sa isang hawak nang biglang naupo rin si Emilio at imbes na sa sofa maupo ay sa mismong likod niya ito naupo. The closeness made her heart race faster, every nerve tingling from the sudden contact.Wala man lang pasabi, kinulong ni Emilio si Natalia sa mga braso







