PAGKASARA ng pinto ay kaagad na hinarap si Bella ng lalaki. “Saan ka ba nagpunta nitong mga nakaraang taon Bella?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nanatiling hawak nito ang kanyang kamay at ngunit para bang wala itong balak na bitawan iyon at sa halip ay mas lalo lang pahigpit ng pahigpt ang hawak nito roon. Ilang sandali pa ay hindi na niya nakayanan pa.“Kyle, nasasaktan ako.” sabi niya at pilit na hinihila ang kanyang kamay mula rito dahil hindi na rin siya komportable sa totoo lang. Nagulat naman ito at mabilis na binitawan ang kamay niya. “i-I’m sorry Bella, masyado lang akong na-excite dahil nakita kita.” paghingi kaagad ng paumanhin nito sa kaniya. Halata naman sa mukha nito na masaya talaga ito sa muli nilang pagkikita.Bigla niyang hinimas ang kanyang kamay, medyo nadiinan talaga nito ang paghawak sa kamay niya kaya nasaktan siya. Ilang sandali pa ay napa buntong hininga na lang siya. “Kyle, pwede bang mamaya na lang tayo mag-usap? May trabaho pa ako.” sabi niya rito.Natigil
Read more