NAPA ANGAT ang kilay ni Xander habang nakatingin sa gulat na mukha ng dalawa. “Anong nakakapagtaka doon? Isa pa, pwede niyo naman siyang gawing cleaner hindi ba?” tanong niya. Sa tingin ba talaga ng babae ay makakapasok ito sa kumpanya bilang isang receptionist? Isang malaking kalokohan iyon. Hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya ang head manager. “Pero sir, napakaganda niya naman para maging isang cleaner, isa pa ay mukha din namang matalino siya.” sinusubukan nitong kumbinsihin siya. Biglang sumulyap si Beatrice kay Bella. “Ano pang ginagawa mo? Bakit hindi ka lumabas? Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang aplikante?” medyo naiinis ng tanong nito sa kaniya.Sa dami ng taong pwede niyang makita ay ito ang wala sa listahan niya sa totoo lang. Ayaw na nga sana niya itong makita ngunit talagang mapaglaro talaga ang tadhana. Samantala, sa isip sip ni Beatrice habang nakatingin kay Bella ay hindi ito pwedeng makapasok sa kumpanya dahil hindi maitatangging kahit na lumipas ang limang ta
Baca selengkapnya