PAGKATAPOS linisin ni Bella ang meetiing roon ay paalis na sana siya ngunit nang buksan niya ang pinto ay bigla na lang siyang may nabangga. Dahil sa kanyang gulat ay biglang gumalaw ang timbang hawak niya dahilan para matapunan ang sapatos ng lalaki. Dahan-dahang napatingala si Bella at halos manlaki ang kanyang mga mata nang makita ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan, isang foreigner! Halos manlamig ang kanyang pakiramdam ng mga oras na iyon, isa lang ang ibig sabihin nito. Ang lalaking nasa harap niya ay walang iba kundi ang lalaking hinihintay ng lahat, ang kliyente ng kumpanya!Sunod-sunod ang naging paglunok niya at para siyang hihimatayin sa nerbiyos at takot. A-anong ginawa niya?Sa likod nito ay mga kasama itong katulad nito na foreigner din. Sa likod ng mga ito ay naroon din sina Xander at Kyle at nakasunod sa mga ito kaya walang duda na ang lalaking nasa harapan niya ang hinihintay ng lahat. Namutla ang kanyang mukha at mabilis na yumuko. “Mi dispiace molto, signore, n
Read more