MAKALIPAS ang limang taon, huminto ang isang e-bike sa harapan ng isang kindergarten at ilang sandali pa ay bumaba mula rito ang apat na maliliit na paslit. Dalawang lalaki at dalawang babae at pare-parehong mga apat na taong gulang na. Pagbaba pa lang nila ay kitang-kita na ni Bella ang namamanghang mga mata habang nakatingin sa mga anak niya. Sino nga ba naman ang hindi mamamangha sa paat na magkakamukhang bata hindi ba? “Ang galing naman, apat kaagad.” sabi ng isa.“Tingnan mo, ang gaganda at ang popogi nila. Paniguradong napaka gwapo ng kanilang ama. Maganda rin naman ang kanilang ina.” sabi naman ng isa. “Pero napakahirap sigurong magbuntis ng apat diba?”May alanganing ngiti sa mga labi si Bella habang akay akay niya ang kanyang mga anak papasok sa loob ng kindergarten. Iyon ang unang araw ng pasukan kaya maraming magulang ang nasa school. Pero ganun pa man, sanay na siya sa mga katulad nitong pagkakataon dahil sa tuwing ipinapasyal niya ang mga anak ay nakakakuha siya ng kapar
Baca selengkapnya