ALAS sais ng umaga ay nakatanggap siya ng isang mensahe galing sa kanyang magaling na boss. Ang sabi nito ay doon na lang daw siya nito sa airport hihintayin. Nang mabasa niya iyon ay hindi niya maiwasang hindi mainis dahil makakabawas ba sa yaman nito kung ipapahatid siya nito sa airport? Hays, nakakainis talaga! Sa ugali nito ay sino nga ba naman ang babaeng magkakamaling ma-inlove dito kung sakali? Napaka sa napaka ang ugali nito. Grabe. Palibhasa, wala kasi itong ibang ginawa kundi ang magtrabaho ng trabaho. Ni wala man lang yata itong kaibigan. Hindi naman niya pwedeng sakyan ang kanyang sasakyan patungo sa airport kaya wala siyang pagpipilian kundi ang mag-taxi na lang papunta sa airport. Lumabas siya ng kanyang apartment para maglakad hanggang sa labas ngunit paglabas niya pa lang sa mismong gate ay may isang itim na kotse ang tumigil sa kanyang harapan. Nang bumaba ang bintana nito ay kaagad niyang nakita ang may ari ng kotse na walang iba kundi si Kyle. bago pa man siya m
Read more