NAGSALUBONG ang mga kilay ni Xander ng marinig niya ang sinabi ng babae. Nanatili siya sa kanyang kinaroroonan at hindi gumalaw.“Napaka walang hiya mo talaga Bella, bakit ako ba ang gumawa ng bagay na iyon huh para isisi mo sa akin? Kasalanan mo iyon tandaan mo dahil hindi naman ako ang pumasok sa ibang silid!” galit na sigaw pa rin ni Beatrice kay Bella. “Ikaw ang may kasalanan kung bakit yun nangyari! Kung hindi dahil sa kagagawan mo e di sana ay hindi ako napadpad sa silid na iyon!” balik na sigaw ni Bella rito. Hindi siya magpapatalo dito lalo na at kasalanan naman talaga nito ang lahat kung bakit iyon nangyari sa kaniya.Mas lalo pang naging madilim ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Wala ka talagang utang na loob, kung hindi ka lang pinulot ng Daddy ko at kinupkop, sa tingin mo ba ay buhay ka ngayon huh? Baka matagal ka ng namatay sa gutom! Tapos ay ganito mo ako tratuhin?! Idagdag pa na ni hindi mo ba naisip ang naramdaman niya noon dahil sa ginawa mo? Isa kang m
Read more