LOGINMULING nagsalita si Xander. “Bella, gusto kong sabihin sayo na ang unang una mong dapat na matutunan ay ang pagpapaligo mo sa iyong amo. Naiintindihan mo ba?” tanong niya rito.Napuno naman ng gulat ang mukha ni Bella ng marinig niya ang sinabi nito. Anong ibig sabihin nito sa sinabi nitong iyon? Seryoso ba talaga ito? O niloloko lang siya nito at pinagtritripan?Seryoso ba talaga ito? Paliliguan niya ito? Bakit? May kamay naman ito at higit sa lahat ay wala itong problema kaya paanong kailangan niya pa itong paliguan? Hindi ba ito marunong maligo ng mag-isa? Madilim ang kanyang mukha na napatingin dito. “Pero bakit sir? May kamay naman kayo. Bakit kailangan ko pa kayong paliguan?” hindi lubos maintindihan ni Bella kung bakit niya ito kailangang paliguan. Kailan pa naging trabaho ng sekretarya ang pagliligo sa kanyang amo? Wala naman diba? Parang ngayon niya lang yata iyon narinig sa buong buhay niya. Mas naging madilim naman ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. “Bakit hindi? Hindi
TANGHALI na nang dumating ang dalawa sa isang hotel na sa tantiya niya ay isa sa mga sikat na hotel sa lugar na iyon. Ang nag-book nun ay ang organizer ng isang fashion show. Pagkatapos niyang ihatid ang lalaki sa silid nito ay kaagad niya itong tinanong. “Uhm sir, saan po ang silid ko?” tanong niya rito. Wala naman kasi itong nabanggit sa kaniya kaya mas mainam na kung magtanong na siya.Nilingon siya nito habang hinuhubad ang suot nitong suit. “May dalawang kang pagpipilian. Una ay humanap ka ng ibang hotel na tutuluyan mo.” sagot nito sa kaniya. Mabilis na napailing si Bella, hindi niya iyon pwedeng gaiwn dahil bukod na nga sa hindi siya pamilyar sa lugar ay natatakot din siya. Baka mamaya ay kung anong mangyari sa kaniya. Ayaw niya namang mapahamak. “At ang isa?” mahina niyang tanong dito.“Matulog ka rito kasama ko.” sagot nito sa kaniya dahilan para manlaki ang kanyang mga mata ng wala sa oras. Tama ba ang narinig niya? Silang dalawa? Matutulog sa iisang silid? Nababaliw na ba
NAPATITIG si Xander sa mukha ng babae at puno ng pagtataka ang mukha niyang nakatingin dito. Bakit nito nasabi ang bagay na iyon? Isang flight attendant ang dumaan at nakita ang takot na takot na mukha ni Bella. Puno ng pag-aalalang tumingin ito sa kaniya at nagtanong. “May problema po ba Miss?” tanong nito sa kaniya.Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Punong puno ng takot ang kanyang dibdib.,ayaw niya pang iwanan ang mga anak niya dahil napakabata pa ng mga ito. Doon niya lang napansin na noong mga oras na iyon ay maayos na pa lang muli ang lipad ng eroplano. Bigla siyang napalingon sa labas ng bintana, ayos na ba talaga ang lahat? Napakurap siya ng ilang beses bago niya tuluyang napagtanto na hanggang sa mga oras na iyon ay nakayakap pa rin pala siya sa mga bisig ng lalaking katabi niya. Nang tingnan niya ang suot nitong suit ay may bahid pa ito ng sipon kaya dali-dali niya itong binitawan at lumayo rito na parang napapaso. “Pa-pasensya na po sir.” paghingi ni
PAGBALIK ni Bella galing sa banyo ay nakita niya ang lalaki sa upuan nito habang nakapikit at mukhang natutulog. Mas okay na iyon kaysa gising ito at nakikipag away sa kaniya. Dahan-dahan siyang bumalik sa kanyang upuan at dahil nakaidlip na siya kanina ay wala na siyang antok na maramdaman pa kundi tanging boredom na lang. Para maaliw ay muli na lang siyang tumanaw sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung ilang minuto ang itinagal niyang nakatanaw sa labas ng bintana hanggang sa muli na niyang naramdaman ang antok hanggang sa hindi niya namamalayan ay nakapikit na pala siya. Sa mga oras na iyon ay doon naman nagmulat ng mga mata si Xander. Nang nilingon niya ang kanyang katabi ay nakita niyang natutulog ito. Nakahilig ito sa isang side at nakaharap sa kaniya. Ang sikat ng araw ay malayang tumatama sa mukha nito. Napatitig na naman siya ng wala sa oras sa mukha nito at masasabi niya ngang napakaganda talaga nito. Kung magadadamit lang ito ng mas maganda pa at kaaya-aya ay magmumukh
DAHIL wala namang ibang gagawin si Bella ay umayos na lang siya ng upo at ipinikit ang kanyang mga mata. Iidlip na lang muna siya kaysa ang makipagtalo pa sa kaiyang boss. Idagdag pa na hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil pagising-gising siya sa hinid niya malamang dahilan. Bukod pa doon ay noong nakatulog na siya ay nanaginip naman siya na ipinapahiya daw siya ni Xander sa harap ng mga napakaradaming tao sa kanilang business trip. Mabuti na lang at nakaidlip naman siya sandali at paggising niya ay parang kailangan niyang pumunta sa banyo kaya tumayo siya at nilingon ang katabi niya. “Sir, punta po ako sandali sa banyo.” paalam niya rito.Kaagad naman na nagsalubong ang mga kilay nito at malamig na tumingin sa kaniya. “E di pumunta ka lang? Bakit kailangan mo pang sabihin sa akin?” inis na tanong nito sa kaniya. Sa halip naman na mainis si Bella ay inulit niya lang ang kanyang sinabi. “Sir, pupunta lang ako sandali sa banyo.” sabi niya ulit dahil paano siya makakapunta sa b
NANG mapansin ni Xander na biglang tumahimik ang babae sa tabi niya ay hinid niya maiwasang hindi sulyapan ito at doon niya napansin kaagad ang hawak nitong notebook. Hindi ba at kamukha ng notebook na iyon ang naiwan sa bahay niya noong isang gabi? Kaya lang ay iba nga lang ang kulay nito pero pareho ang design. Nang makita niyang mukhang may iginuguhit ito sa notebook ay kaagad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Anong ginagawa mo?” hindi na niya napigilan pang itanong.Mabilis naman na isinara ni Bella ang kanyang notebook ng marinig niya ang tanong ng kanyang katabi. “Wala.” mabilis niyang sagot at pagkatapos ay muli itong sinulyapan ang lalaki. Nakita niyang nakasilip pa rin ito sa kanyang notebook kaya mabilis niyang inilayo ito rito. “Sir, hindi niyo pwedeng silipin ang ginagawa ko.” saway niya rito.Sinamaan lang siya nito ng tingin. “Sa tingin mo ba talaga ay interesado ako sa ginagawa mo?” inis na tanong nito sa kaniya na ikinairap niya lang. Ilang sandali pa ay muli na n
PINANATILI ni Addie ang sariling gising habang nakaupo siya sa sofa. Hinihintay niya si Sevi dahil gusto niyang makausap ito patungkol na rin sa kanyang pag-uwi. Nang patayin nya ang tawag kanina ay halos manikip ang dibdib niya. Naisip niya bigla ang mukha ni Zeus habang umiiyak at halos madurog a
NAKIPAG kamay si Mr. Guanzon. Ngumiti ito at pagkatapos ay tumingin sa babaeng katabi niya. “I didn’t know iba na naman pala ang secretary mo.” nakangiting sabi nito sa kaniya.Alanganin namang ngumiti si Laida nang marinig ang sinabi ng matandang nasa harapan niya. Kaagad niyang itinaas ang kanyan
NANG magising si Addie kinabukasan ay medyo masakit ang katawan niya. Napahilot siya sa kanyang sentido at dahan-dahang bumangon. Inalala niya ang mga nangyari kagabi at halos mag-init ang buong mukha niya sa labis na kahihiyan dahil sa ginawa niya. Napatakip siya sa kanyang mukha. ‘Shit, anong gi
BINUHAT siya ni Sevi patungo sa mga bench na nasa tabi ng pool. Sa totoo lang, hindi alam ni Addie kung ano ang pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon sa lalaki. Hindi niya lubos akalain na siya ang mag iinitiate na may mangyari sa kanilang dalawa. Par







