مشاركة

Chapter 51

مؤلف: Luffytaro
last update تاريخ النشر: 2026-03-12 13:41:33

DAHIL sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nagbago ang mga dapat gawin ni Sevi. mukhang wala siyang magagawa kundi ang payagan na lamang si Addie na umuwi dahil sa sitwasyon. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin alam kung paano nalaman ng kanyang ama ang tungkol sa sinabi nito sa kaniya kanina dahil sa tono pa lang ng boses nito ay parang alam na nito.

Napabuntong hininga siya at pagkatapos ay pumasok sa loob ng villa. Kararating niya lang ng mga oras na iyon. Tinanggal niya ang s
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • FATED TO BE MINE   Book 2: Chapter 63

    MULING nagsalita si Xander. “Bella, gusto kong sabihin sayo na ang unang una mong dapat na matutunan ay ang pagpapaligo mo sa iyong amo. Naiintindihan mo ba?” tanong niya rito.Napuno naman ng gulat ang mukha ni Bella ng marinig niya ang sinabi nito. Anong ibig sabihin nito sa sinabi nitong iyon? Seryoso ba talaga ito? O niloloko lang siya nito at pinagtritripan?Seryoso ba talaga ito? Paliliguan niya ito? Bakit? May kamay naman ito at higit sa lahat ay wala itong problema kaya paanong kailangan niya pa itong paliguan? Hindi ba ito marunong maligo ng mag-isa? Madilim ang kanyang mukha na napatingin dito. “Pero bakit sir? May kamay naman kayo. Bakit kailangan ko pa kayong paliguan?” hindi lubos maintindihan ni Bella kung bakit niya ito kailangang paliguan. Kailan pa naging trabaho ng sekretarya ang pagliligo sa kanyang amo? Wala naman diba? Parang ngayon niya lang yata iyon narinig sa buong buhay niya. Mas naging madilim naman ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. “Bakit hindi? Hindi

  • FATED TO BE MINE   Book 2: Chapter 62

    TANGHALI na nang dumating ang dalawa sa isang hotel na sa tantiya niya ay isa sa mga sikat na hotel sa lugar na iyon. Ang nag-book nun ay ang organizer ng isang fashion show. Pagkatapos niyang ihatid ang lalaki sa silid nito ay kaagad niya itong tinanong. “Uhm sir, saan po ang silid ko?” tanong niya rito. Wala naman kasi itong nabanggit sa kaniya kaya mas mainam na kung magtanong na siya.Nilingon siya nito habang hinuhubad ang suot nitong suit. “May dalawang kang pagpipilian. Una ay humanap ka ng ibang hotel na tutuluyan mo.” sagot nito sa kaniya. Mabilis na napailing si Bella, hindi niya iyon pwedeng gaiwn dahil bukod na nga sa hindi siya pamilyar sa lugar ay natatakot din siya. Baka mamaya ay kung anong mangyari sa kaniya. Ayaw niya namang mapahamak. “At ang isa?” mahina niyang tanong dito.“Matulog ka rito kasama ko.” sagot nito sa kaniya dahilan para manlaki ang kanyang mga mata ng wala sa oras. Tama ba ang narinig niya? Silang dalawa? Matutulog sa iisang silid? Nababaliw na ba

  • FATED TO BE MINE   Book 2: Chapter 61

    NAPATITIG si Xander sa mukha ng babae at puno ng pagtataka ang mukha niyang nakatingin dito. Bakit nito nasabi ang bagay na iyon? Isang flight attendant ang dumaan at nakita ang takot na takot na mukha ni Bella. Puno ng pag-aalalang tumingin ito sa kaniya at nagtanong. “May problema po ba Miss?” tanong nito sa kaniya.Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Punong puno ng takot ang kanyang dibdib.,ayaw niya pang iwanan ang mga anak niya dahil napakabata pa ng mga ito. Doon niya lang napansin na noong mga oras na iyon ay maayos na pa lang muli ang lipad ng eroplano. Bigla siyang napalingon sa labas ng bintana, ayos na ba talaga ang lahat? Napakurap siya ng ilang beses bago niya tuluyang napagtanto na hanggang sa mga oras na iyon ay nakayakap pa rin pala siya sa mga bisig ng lalaking katabi niya. Nang tingnan niya ang suot nitong suit ay may bahid pa ito ng sipon kaya dali-dali niya itong binitawan at lumayo rito na parang napapaso. “Pa-pasensya na po sir.” paghingi ni

  • FATED TO BE MINE   Book 2: Chapter 60

    PAGBALIK ni Bella galing sa banyo ay nakita niya ang lalaki sa upuan nito habang nakapikit at mukhang natutulog. Mas okay na iyon kaysa gising ito at nakikipag away sa kaniya. Dahan-dahan siyang bumalik sa kanyang upuan at dahil nakaidlip na siya kanina ay wala na siyang antok na maramdaman pa kundi tanging boredom na lang. Para maaliw ay muli na lang siyang tumanaw sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung ilang minuto ang itinagal niyang nakatanaw sa labas ng bintana hanggang sa muli na niyang naramdaman ang antok hanggang sa hindi niya namamalayan ay nakapikit na pala siya. Sa mga oras na iyon ay doon naman nagmulat ng mga mata si Xander. Nang nilingon niya ang kanyang katabi ay nakita niyang natutulog ito. Nakahilig ito sa isang side at nakaharap sa kaniya. Ang sikat ng araw ay malayang tumatama sa mukha nito. Napatitig na naman siya ng wala sa oras sa mukha nito at masasabi niya ngang napakaganda talaga nito. Kung magadadamit lang ito ng mas maganda pa at kaaya-aya ay magmumukh

  • FATED TO BE MINE   Book 2: Chapter 59

    DAHIL wala namang ibang gagawin si Bella ay umayos na lang siya ng upo at ipinikit ang kanyang mga mata. Iidlip na lang muna siya kaysa ang makipagtalo pa sa kaiyang boss. Idagdag pa na hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil pagising-gising siya sa hinid niya malamang dahilan. Bukod pa doon ay noong nakatulog na siya ay nanaginip naman siya na ipinapahiya daw siya ni Xander sa harap ng mga napakaradaming tao sa kanilang business trip. Mabuti na lang at nakaidlip naman siya sandali at paggising niya ay parang kailangan niyang pumunta sa banyo kaya tumayo siya at nilingon ang katabi niya. “Sir, punta po ako sandali sa banyo.” paalam niya rito.Kaagad naman na nagsalubong ang mga kilay nito at malamig na tumingin sa kaniya. “E di pumunta ka lang? Bakit kailangan mo pang sabihin sa akin?” inis na tanong nito sa kaniya. Sa halip naman na mainis si Bella ay inulit niya lang ang kanyang sinabi. “Sir, pupunta lang ako sandali sa banyo.” sabi niya ulit dahil paano siya makakapunta sa b

  • FATED TO BE MINE   Book 2: Chapter 58

    NANG mapansin ni Xander na biglang tumahimik ang babae sa tabi niya ay hinid niya maiwasang hindi sulyapan ito at doon niya napansin kaagad ang hawak nitong notebook. Hindi ba at kamukha ng notebook na iyon ang naiwan sa bahay niya noong isang gabi? Kaya lang ay iba nga lang ang kulay nito pero pareho ang design. Nang makita niyang mukhang may iginuguhit ito sa notebook ay kaagad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Anong ginagawa mo?” hindi na niya napigilan pang itanong.Mabilis naman na isinara ni Bella ang kanyang notebook ng marinig niya ang tanong ng kanyang katabi. “Wala.” mabilis niyang sagot at pagkatapos ay muli itong sinulyapan ang lalaki. Nakita niyang nakasilip pa rin ito sa kanyang notebook kaya mabilis niyang inilayo ito rito. “Sir, hindi niyo pwedeng silipin ang ginagawa ko.” saway niya rito.Sinamaan lang siya nito ng tingin. “Sa tingin mo ba talaga ay interesado ako sa ginagawa mo?” inis na tanong nito sa kaniya na ikinairap niya lang. Ilang sandali pa ay muli na n

  • FATED TO BE MINE   Chapter 18

    SOBRANG takot ang nararamdaman ni Addie habang isinasagawa ang surgery ni Zeus, makalipas lang ang halos apat na oras ay natapos na rin ang surgery at labis siyang nagpapasalamat dahil naging successful ito at bukod doon ay ngayon, nasa maayos ng kalagayan ang anak niya.Iyak ng iyak ang kanyang au

  • FATED TO BE MINE   Chapter 17

    NAGING malamig ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya ngunit hindi siya umiwas ng tingin sa halip ay sinalubong niya ang mga mata nito. Wala siyang pakialam kung pahirapan siya nito, pero hinding-hindi siya papayag sa gusto nito. Hinding-hindi siya magiging parausan nito.“Hindi ko akalain na mag

  • FATED TO BE MINE   Chapter 16

    HALOS mapamura na si Addie habang naglalakad dahil sa totoo lang ay hinang-hina na siya. Paano ba naman ay mukhang pinarusahan siya ni Sevi at pinagawa sa kaniya ang mga bagay na hindi naman dapat ginagawa ng sekretarya na para bang sinasabi nito sa kaniya na kung hindi siya pumayag sa gusto nito a

  • FATED TO BE MINE   Chapter 15

    “Uhm sir ito na po ang pinapakuha niyong document.” inilapag ni Addie ang papel sa harapan ng kanyang boss. Sinulyapan naman ito ni Sevi at pagkatapos ay tumingin sa kaniya.“Salamat.” sabi nito at tinanguan niya ito. Tinalikuran na niya ito at babalik na sana siya sa kanyang mesa nang marinig niya

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status