NANINGKIT ang mga mata ni Sevi nang makita niya si Laida na binuksan ang pinto ng kanyang silid. Hindi pa man sila nakapapag-usap ng matagal ni Addie ay kailangan niya nang tapusin ang tawag dahil baka mamaya ay magsumbong na naman ito sa kanyang ama.“What are you doing here? Binigyan ba kita ng pahintulot na tumapak dito sa kwarto ko?” magaspang na tanong niya rito kaagad. Wala na siyang pakialam pa kung anong isip nito o kung anong sabihin nito. Wala naman siyang pakialam dito sa totoo lang. Kung siya lang ang tatanungin ay hinding-hindi niya ito patatapakin sa kanyang condo, pero dahil mapilit ang kanyang ama ay wala na siyang nagawa pa kundi ang sundin na lamang ito.Tinaasan siya ng kilay at pagkatapos ay sumandal ito sa pinto. Humalukipkip ito at may mayabang na ekspresyon sa mukha. “What? Get out!” tinaasan na niya ito ng boses, umaga pa lang ay sinisira na nito kaagad ang kanyang araw. Kung kanina ay napakasaya niya nang marinig niya ang boses ni Addie, ngayon naman ay naiini
อ่านเพิ่มเติม