Se connecterNAPAKUNOT ang noo ni Andromeda habang naglalakad patungo sa pinto. Naalimpungatan siya sa lagay na iyon dahil sa ingay mula sa kanilang pinto. Bukod pa doon ay tahol ng tahol ang kanilang mga aso sa labas at halatang may tinatahulan ang mga ito. Napakusot siya sa kanyang mga mata ay naniningkit ang mga ito bago niya nilingon ang orasan na nakasabit sa kanilang sala para tingnan kung anong oras na.Mas lalo siyang nagtaka nang makita ang oras dahil halos alas tres na ng madaling araw. Muli niyang ibinalik ang tingin sa pinto at lumapit dito. Sumilip siya sa bintana at nakita niya na may isang kotseng nakaparada sa labas. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Sino naman kaya ito? Wala naman siyang inaasahang bisita sa totoo lang kaya hindi niya maiwasang hindi magtaka.Ilang sandali pa ay nagsalita siya. “Sino yan?” Narinig niya ang pagtikhim mula sa labas ng pinto. “Ako po si Sevi Alvaro, ang boss ni Addie.” sagot ng isang baritonong boses mula sa labas.Ano naman kaya ang ginagawa nito
HAPON na nang muling makarinig ng katok si Sevi sa kanyang opisina. Napa-angat siya ng kanyang ulo, bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay biglang bumukas ang pinto at pumasok na sa loob si Bill. sa likod nito ay naroon na si Mr. Cruz na nakasunod kaya wala na siyang nagawa pa. Plano niya kaninang i-cancel ang pakikipagkita rito dahil gusto niya sanang kausapin ang kanyang ama tungkol sa sinabi sa kaniya ni Laida ngunit sa dami ng inasikaso niya sa araw na iyon ay hindi na niya nagawa pang kausapin ito dahil ayaw niya namang kausapin ito sa cellphone lang, gusto niya na personal niyang sabihin dito ang tungkol sa bagay na iyon.Tinigil niya ang kanyang ginagawa pagkatapos ay tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Sinalubong niya ito at pagkatapos ay kinamayan. Ito ang unang beses na tumapak ito sa kanilang kumpanya sa totoo lang at hindi niya alam kung anong pakay nito sa pagpunta doon.“Nice to meet you Mr. Cruz.” sabi niya kaagad. “Maupo kayo.” iginiya niya itong umupo sa sofa.T
“Sir, gustong makipag meet sayo ni Mr. Cruz.” sabi ni Bill kay Sevi dahilan para mapatigil sa kanyang ginagawa at napa angat ng tingin. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya ng wala sa oras.“Mr. Cruz?” ulit niyang tanong dito dahil baka mali siya ng rinig ngunit mabilis na tumango sa kaniya ang kanyang assistant.“Anong dahilan?” muli niyang tanong dito ngunit umiling lang ito. “Wala namang sinabi sir, ang sabi lang ng kanyang assistant ay gusto ka raw niyang makausap.” sagot sa kaniya ni Bill.Napasandal siya sa kanyang kinuupuan at napaisip. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kaniya? Ang Cruz Corporation ay kilala bilang isa sa mga sikat na kumpanya sa bansa. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit ito makikipagkita sa kaniya e hindi naman sila ganun ka-close. Nagkita na sila oo, pero hindi pa sila pormal na nagkausap sa totoo lang.Sa huli ay napa buntong hininga na lang siya. Kung anuman ang intensyon nito sa pakikipag-usap sa kaniya ay malalaman niya mamaya. “Okay sige. Ikaw
BUMALIK si Laida sa kanyang silid at napaupo sa kama. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya. Napaisip siya bigla sa offer sa kaniya ni Sevi. kung papayag siya sa gusto nito ay tiyak na hindi lang basta galit ang matitikman niya mula sa kanyang ama ngunit ang hindi niya masigurado ay kung nagsasabi ba ng totoo ang lalaki sa kaniya.Baka mamaya kasi ay bigla na lang siya nitong iwanang sa ere ng hindi niya man lang nakakamit ang gusto niya. Sa totoo lang, simple lang naman talaga ang gusto niya. Gusto niya lang naman lumaya mula sa puder ng kanyang ama na walang ibang ginawa kundi ang ipagawa sa kaniya ang mga bagay na hindi nito maipagawa sa kanyang ate na siyang paborito ng mga ito.Siya ang tagasalo ng lahat samantalang ang kanyang kapatid ay walang ibang ginawa kundi ang magpasarap buhay. Kung pwede nga lang sana niyang isipin na ampon siya ay ginawa na niya pero napaka-imposible nun at ngayon nga ay nanganganib nang tuluyang bumagsak ang kanilang kumpanya dahil sa lak
NANINGKIT ang mga mata ni Sevi nang makita niya si Laida na binuksan ang pinto ng kanyang silid. Hindi pa man sila nakapapag-usap ng matagal ni Addie ay kailangan niya nang tapusin ang tawag dahil baka mamaya ay magsumbong na naman ito sa kanyang ama.“What are you doing here? Binigyan ba kita ng pahintulot na tumapak dito sa kwarto ko?” magaspang na tanong niya rito kaagad. Wala na siyang pakialam pa kung anong isip nito o kung anong sabihin nito. Wala naman siyang pakialam dito sa totoo lang. Kung siya lang ang tatanungin ay hinding-hindi niya ito patatapakin sa kanyang condo, pero dahil mapilit ang kanyang ama ay wala na siyang nagawa pa kundi ang sundin na lamang ito.Tinaasan siya ng kilay at pagkatapos ay sumandal ito sa pinto. Humalukipkip ito at may mayabang na ekspresyon sa mukha. “What? Get out!” tinaasan na niya ito ng boses, umaga pa lang ay sinisira na nito kaagad ang kanyang araw. Kung kanina ay napakasaya niya nang marinig niya ang boses ni Addie, ngayon naman ay naiini
PUNO ng lungkot at awa ang mga mata ni Addie habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya. Napaka putla ng mukha nito at halatang hinang-hina na. Napakagat labi na lang siya. Hindi niya alam kung ano ang meron sa kanilang dalawa ng lalaking iyon ngunit sigurado siya na pinahihirapan siya nito dahil bakit nito sasapitin ang ganung itsura kung hindi, hindi ba?Ilang oras na siyan nakaupo sa tabi nito at tahimik lang na tinitingnan ito hanggang sa narinig niya ang mahina nitong pag-ungol. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata nito. “Please… huwag… please…” nanginginig at takot na takot ang boses nitong nagmakakaawa.Tumayo siya at bahagyang niyugyog ang balikat nito dahil para bang nananaginip ito ng wala sa oras. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na itong nagmulat ng mga mata. Nang makita siya nito ay bigla na lang itong napakagat-labi, sa sumunod na segundo ay napahikbi na ito at napahagulgol. Niyakap niya ito at hinaplos-haplos ang likod. Kung
NAPAILING na lang siya dahil sa sinabi ng kanyang kapatid at pagkatapos ay napabuntong hininga. “Hindi mo pa maiintindihan ngayon ang ibig kong sabihin dahil hindi mo pa nararanasang magmahal.” sagot niya rito.Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. “Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga salita
ISANG malakas na sampal ang pinakawalan ni Addie pagkatapos niyang dalhin sa ospital ang babae. Kung hindi pa pala ito nadala doon ay baka tuluyan na itong namatay dahil sa matinding pagkawala ng dugo. Napakaputla nito at halos wala ng buhay nang makita niya.Nakayuko ang lalaki sa harapan niya at
ISANG ngisi ang nakapaskil sa labi ni Laida nang lumapit siya kay Sevi. “Akala ko ay kaya mo na talagang hindi sumipot sa engagement nating dalawa pero mukhang takot ka pa rin naman pala sa Daddy mo.” bulong niya rito. Magkatabi silang dalawa ng mga oras na iyon. Alam ni Laida kung gaano siya nito
BAGO pa man may mangyari sa kanilang dalawa ni Sevi, mabuti na lang ay napigilan niya ito. Ngunit hindi siya nito hinayaang lumayo sa kaniya. “So, pumapayag ka ng makasama ako?” tanong nito sa kaniya na nagniningning ang mga mata na parang isang bata.Nag-iwas siya ng tingin at napabuntong hininga







