HINDI HILIG NI Gail ang uminom ng nakakalasing na inumin, pero okay naman ang tolerance niya pagdating sa alak kaya alam niyang ayos lang din kung iinom siya nito ngayon. Nagsimulang uminom na ang dalawa, tahimik na nagmamasid sa nangyayari sa kanilang paligid. Maya-maya, biglang may lumapit sa kanila kaya napaayos sila ng tayo.“Maura, narito ka rin pala?” “Professor Larry, ikaw pala ‘yan. I was just about to look for you, but I haven’t been able to find you.” Puno ng humor na tumawa lang ang tinawag ni Maura na Larry. “Talaga? Mukhang ang hirap namang paniwalaan. Ikaw Maura, hahanapin ako? Hmm…”Si Maura naman ang tumawa at inabutan na ng baso ng alak ang professor na agad nitong tinanggap.“Totoo iyon, Prof. I came here specifically to introduce you to someone.” “Oh, really? Kanino naman?” Doon pa lang lumipat ang paningin ng lalaki kay Gailyn na nasa tabi ni Maura at tahimik lang na nakatayo at nagmamasid. Puno ng paghanga ang mata ngunit may pag-aalinlangan ng professor. He
Last Updated : 2026-02-19 Read more