HINAPLOS NA ANG puso doon ni Gailyn na sa unang pagkakataon ay nanalo siya kay Nica. Iyong tipong sa wakas, may nag-agree din na ayaw nito sa kanya. Hindi iyong palagi na lang ang babae ang nananalo kapag may pinag-aagawan sila.“Thank you. However, this means you’ve already directly lost a genius. Hindi ba at puring-puri mo siya? Sayang naman.” Ganun na lang ang naging iling ng ulo ni Maura. Ginagap pa ang kanyang isang kamay upang ipakita ang sinseridad.“She is indeed a genius, but compared to you she is worthless, Gailyn. Syempre, ikaw ang pipiliin ko sa inyong dalawa.” “Huwag ka nga—” “Totoo ang sinasabi ko. Huwag ka ng magpa-humble diyan. Nakapalayo mo sa kanya. Kumbaga master ka, trainee siya.” Biglang may naisip si Gail. “Hindi ba at matagal na siyang na-interview? Bakit bukas pa lang din siya magsisimula?” “Oh, sabi niya may ibang bagay pa siyang kailangang lakarin. Hindi ko na tinanong in details. Alam mo naman ako, ayoko ng drama o makialam sa mga bagay na wala naman
Last Updated : 2026-02-18 Read more