SA TABI NI Gail natulog ang anak ng gabing iyon, sa master bedroom sila nagpalipas ng gabi at hindi sa silid ng anak. “Pag-uwi ni Daddy, gusto ko na makatabi kayong dalawa na matulog. Ako sa gitna niyo.” maligayang turan ni Jaxon habang nakatingin sa kisame ng silid, hindi naman nagbigay ng reaction si Gail sa pangarap na iyon ng kanilang anak. “Na-miss ko ‘yung dating ginagawa natin, Mommy. Tell, gusto mo rin naman iyon, hindi ba?”Nilingon ni Gail ang anak, kailangan niyang mapaghandaan ang pag-uwi ni Leon. Sa araw na uuwi ito, hindi siya uuwi. Hindi sa iniiwasan niyang mangyari ang pangarap ng anak, kaso nga lang ay malapit na rin sila nitong mag-divorce eh. Pangit tingnan iyon kahit pa sabihin na mayroon silang anak na dalawa.“Kailan ba ang uwi ng Daddy?” Umiling si Jaxon na yumakap na sa kanya matapos siyang lingunin. Mukha namang nagsasabi ang bata ng totoo.“Hindi niya sinabi sa akin kung kailan, Mommy. Miss mo na rin ba siyang katabi?” Tumawa lang nang mahina si Gail, wala
Last Updated : 2026-02-26 Read more