Nang mapansin nila na hindi naman interesado si Rio sa mga sinasabi nila, napilitan silang lumabas ng study room.“Your Lolo wants you to join us in the dining room for the meal. Sa baba ka na kumain,” bilin ng mama niya bago sila lumabas. Kapag kasi ganito na busy si Rio sa study room, dito kami kumakain para iwas din sa mga tao sa mansion.“Kilala mo ‘yong kasama ng mama mo?” tanong ko.“No,” maikli niyang sagot.I pursed my lips. Nasa likod niya pa rin ako, may kinakalikot sa mga libro sa bookshelves sa likod niya. Nakatalikod ako sa kanya at siguro nagsusulat ulit siya.“Gusto daw sa’yo ipakilala ng lolo mo,” dagdag ko.“Hmmm,” he hummed indulgently.Sumingaot na ako.“Nakita mo siya? Kung close ng lolo mo ang lolo niya, baka nagkita na kayo dati?”Rio chuckled humorlessly.“But I am not close with my lolo’s connections. So either way, I don’t know her.”Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Unti-unti akong umiling nang mapagtanto na bakit pa ako nagtatanong eh baka mawala na nam
Mehr lesen