Natapos ko ang ginagawa ko nang matiwasay. Akala ko hindi ko matatapos ngayong gabi ang ginagawa ko pero halos tuloy-tuloy ang paggawa ko sa requirements ko kaya natapos ko agad iyon.At hindi ko na rin ipinagpabukas ang pagpasa noon. Baka pa makalimutan ko at may mangyari pang drama.Kaya lang, hindi ko inaasahan na bigla akong tatawagan ng isa sa mga professor ko. Medyo nagtagal pa ang mata ko sa screen ng cellphone ko.“Hello, Ms. Salvador. Am I catching you at a bad time?”Bahagya akong umiling. “Hello po, sir. Hindi naman po. Okay lang po.”“Good. I’ll be quick. I just reviewed your recent submissions and your OJT performance reports,” seryosong sabi ni sir.“Opo, sir.”“I have to say, impressive pa rin. Consistent ka.”Umawang ang labi ko sa narinig. I didn't expect a call just to inform me about my performance.“Thank you po, sir. Medyo worried nga po ako kasi baka napapabayaan ko na ang academics ko dahil sa OJT.”My professor laughed a bit.“Well, you don’t have to worry abou
اقرأ المزيد