The things I've been hoping for before, iyong mga araw na gustong-gusto ko na sana hinahanap ako ni Rio, na sana bigla siyang sumulpot at sabihin na hinahanap niya ako…it happened.Sadyang hindi lang niya ako mahanap. Hindi rin ako nagpapakita dahil akala ko hindi niya ako hinahanap at galit siya.I was scared. He was abandoned before and then I abandoned him. Ano'ng pinagkaiba ko sa mga magulang niya?Hindi na ako lumabas pagdating ko galing sa meeting. Nanatili ako sa maid's quarters at saka natutulala sa loob.Kahit na dapat tinatawagan ko si Tita para ibalita ang nangyari sa meeting, hindi ko magawa.Hinanap ako ni Rio. Ngayon na nahanap niya kami, he was mad. Naalala ko na tinanong niya ako kung may gusto ba akong sabihin sa kanya. What did he want me to say?“Ma'am Thalia, kakain na raw po kayo. Naghihintay na po sina Sir,” tawag sa akin sa labas ng kwarto.Pumikit ako.“Please, pakisabi na wala akong gana ngayon at busog ako.”I heard the maid walk away. Nagtaklob ako ng kumot
Read more