“Dad!” sigaw ni Ereena ngunit hindi siya pinansin ng ama.Nanginginig na si Edwin sa galit. Bakit ba pumapalpak ang lahat ng plano niya? Samantalang si Yvee ay diretso lamang na nakatingin kay Edwin. Nasusuka siya habang tinitingnan niya ang ama niya—ang taong nasa harapan niya ay ang taong pinangarap niyang tanggapin at mahalin siya. At ngayon ay kitang-kita na niya ang tunay nitong katauhan. Isa pala itong demonyong nagkatawang tao.“Dad we need to run!” natatarantang wika ni Ereena habang hinihila niya ang manggas ng damit ng ama niya. Nanigas si Edwin pero mas nangibabaw ang galit niya. Kung hindi niya makukuha ang gusto niya, pwes! Sabay-sabay silang lahat na bababa sa impyerno! “I was right, Yvangeline. Dapat talaga ay ipinatapon na lang kita noong sanggol ka pa. Wala kang ibang dinala sa pamilya natin kung hindi kapahamakan!” nanggigil na wika ni Edwin. “Sana nga ginawa mo na lang,” malamig na wika ni Yvee. “Eh, ‘di sana hindi ko mararanasan ang lahat ng sakit na dinulot m
Last Updated : 2026-06-05 Read more