Sa kabilang banda, sa loob ng silid ay mahina ang ilaw. Nakahiga si Atticus sa kama. Yakap niya ang tablet niya habang nakatutok ang tingin niya sa screen. Sa kabilang side ng video call ay nakaupo naman si Atlas sa sofa, may hawak ding tablet. Parehong seryoso ang mukha ng dalawa sa unang tingin. Parang may mahalaga silang usapan.Ilang segundo lang ang lumipas ay biglang napangiti si Atticus. “Success!” mahina ngunit excited niyang sabi.Agad namang ngumisi si Atlas. “Of course,” kumpiyansa niyang sagot. “Ako pa ba?”Hindi napigilan ni Atticus ang mapahagikgik. “Ang galing mo talaga, kuya,” sabi niya. “Akala ko ay hindi papayag si mommy eh.”“Akala ko rin ay hindi papayag si daddy,” sagot ni Atlas. “Pero nakita mo? Ang bilis niyang pumayag.”Nagkatinginan ang kambal sa screen at parehong may kislap ng saya sa mga mata nila. Para bang may malaking misyon silang matagumpay nilang naisakatuparan.“First date nila ngayon,” bulong ni Atticus, halos hindi makapaniwala.“Finally,” dagdag n
Read more