Tahimik ang sala habang nakasandal si Gideon sa sofa. Pagod ang katawan niya, pero gising pa rin ang isip. Bigla siyang napakunot-noo. May naalala siya. Ilang araw na niyang hindi nasisilip ang mga assignments ni Atlas. Dahan-dahan siyang tumayo at tumingala sa hagdan. “Anak,” tawag ni Gideon. Maya-maya ay sumilip ang ulo ng bata mula sa taas ng hagdan. Naka-pajama na ito at mukhang handa na talagang matulog. “Yes po, daddy?” “Tapos mo na ba ang lahat ng assignments mo?” tanong ni Gideon. Saglit na natigilan si Atticus. Halos isang segundo lang pero napansin agad iyon ng kaniyang ama. “Uh…” Kumurap siyq. “Opo naman, daddy.” Nakataas ang isang kilay ni Gideon. “Talaga?” “Opo,” mabilis na sagot ni Atticus, pilit na ngumiti. “Matagal na po.” “Kunin mo nga ang bag mo,” utos ni Gideon. Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Atticus. “B-Bag ko po?” “Yes. Dalhin mo rito.” Nagkatinginan ang mag-ama ng ilang segundo. Halatang nag-iisip ang bata kung may paraan pa bang makalusot. Wala
Read more