Sa kabilang linya ay halatang nagmamadali ang boses ni Drew. “Kuya, nasa hospital ngayon si Lola Jimena.”Biglang nagbago ang ekspresyon ni Gideon. “Ano?”“Bigla raw siyang hinimatay. Kaya sinugod nila rito sa hospital. Sabi ng doktor, malubha ang kalagayan niya at kailangan ng emergency operation. Pumirma na ako ng waiver para maumpisahan na ang operasyon, kuya. Tama naman ang ginawa ko, ‘di ba?”Natahimik sandali si Gideon. “Oh, what you did was right.” Humigpit ang hawak niya sa cellphone. Kailangan mong pumunta rito ngayon, kuya. Hindi ko kayang maghintay rito ng mag-isa sa labas ng operating room.” Bakas sa boses ni Drew ang kaba“Saang hospital mo siya dinala?”Matapos sabihin ni Drew ang pangalan ng hospital ay agad na tumango si Gideon.“I’m on my way. Kumalma ka riyan. Hindi ka puwedeng mag-panic diyan. Call me if anything happens, Drew. Ibaba ko na ang tawag. Pupunta na kami ni Atlas d’yan.” Pinatay ni Gideon ang tawag. Pagharap niya, agad napansin ni Yvee ang seryosong eks
Read more