“Sabihin mo sa akin, Jake. Talaga bang gising na si mama?” Pangungulit ni Rain kay Jake sakay pa lang nila sa eroplano, simpleng t-shirt at pantalon lang ang suot niya na binili sa tabi-tabi para makapagpalit agad.“Totoo ang sinasabi ko, Rain. Wala akong dahilan para magsinungaling sa’yo,” sambit ni Jake at sinapo ang magkabila niyang pisngi. “Gising na talaga ang mama mo, kasi kung hindi… hindi naman kita pipigilan sa kasal mo dahil nakapag-usap na tayo ng maayos at nirerespeto ko ang desisyon mo, pero mama mo ang pinaguusapan natin at hindi basta kung sino lang.” Malumanay pa rin ang tono ni Jake, ngunit halata na roon ang kaunting inis. “Kung hindi ka nagtitiwala sa akin, hindi ka na sana sumama. Kaya ko namang i-check si tita, babalitaan na lang kita kung ano ang lagay niya,” dagdag pa niya na nakapagpatahimik kay Rain.“H-Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin,” napakagat ng ibabang labi si Rain at pinagsiklop ang mga daliri niya. “Nabigla lang ako sa balita, hindi ko akalain na
続きを読む