“Masyado lang old-fashioned si daddy, pero paniguradong matatanggap din niya tayo. Kailangan lang niya ng oras para makapag-isip-isip,” alanganin na sabi ni Arison.“Oh…” Muling napayuko si Serene sa narinig. Naiintindihan naman niyang hindi mapipilit ni Arison ang ama nito na tanggapin agad ang relasyong mayroon sila, pero hindi pa rin niya maiwasang malungkot.Hinawakan ni Arison ang dalawang balikat ni Serene at pinaharap ito sa kaniya. “H’wag kang mag-alala, darling, ako na ang bahala sa pamilya ko na ipaintindi ang relasyon nating dalawa hanggang matanggap nila tayo. Pinakasalan na kita at hindi ko hahayaan na malagay ka sa mahirap na sitwasyon,” sabi niya. May paninigurado ang tono ng boses. “H’wag ka na masyadong ma-stress kina mommy at daddy, okay?”Tumango lang si Serene at sinandal ang kaniyang ulo sa balikat ni Arison, pero nandoon pa rin ang pag-aalala niya para sa relasyon nilang dalawa. “Arison, miss ko na ang mommy at daddy ko… inimbitahan ko silang pumunta rito, ayos
Read more