LIEZEL“Kahit kailan palpak ka talaga, Liezel,” panenermon sa akin ni Kuya sa harapan ng Axenria Biotech.“Lintik talaga tayo kay Mommy.”Hindi ako umimik. Wala akong maisasagot kay Kuya dahil ngayon ang proposal ko talaga ang may problema.Ako ang problema.“You know, mali ko na inasahan kita. Ever since, you’re stupid and a failure in our family.”Tinuro niya ako, “Huwag kang umuwi sa bahay hangga’t hindi ka nakakakuha ng kliyente.”Sumakay na si Kuya sa sasakyan niya at naiwan naman ako sa harapan.Tumitig ako sa ulan. Umuulan na naman.Mapakla akong ngumiti. Sabi na, sinusumpa talaga ako ng ulan.[ “Diyan ka sa labas!”“Mommy, umuulan, please–”“You promised me that you’ll be part of the international research team. Ginastusan ko ang pag-aaral ko sa iyo, pero sinayang mo!”“I will try again–”“No! You will never have a chance, Liezel! You already proved to me that you’re a failure!”]Umagos ang mga luha ko nang maalala ko ito. Sa nangyaring ito, siguradong mauulit na naman. Tiyak
Последнее обновление : 2026-02-08 Читайте больше