Samarah's POV “Hey, what are you reading?” tanong ni Rowan habang nakaupo ako sa sofa dito sa condo niya. “8 Habits of the Happy Millionaire by Bo Sanchez.” Itinaas ko ang libro at ipinakita sa kanya. “Wow, I'm impressed. Kailan kanpa nagkaroon ng interes sa mga self help books?” Tumabi siya sa akin at ipinatong ang braso niya sa mga balikat ko. “Matagal na kaso hindi ko kasi malaanan ng oras dati dahil sa mga trabaho ko. Kaya ngayon gusto kong subukan ulit magbasa, tutal wala naman ako gaanong ginagawa.” At para makasabay din ako sa mundo mo. Mula kasi nung nainterview ako, at sa tuwing papasyal ako sa opisina nila, pakiramdam ko saling pusa lang ako. Kaya magandang malamnan din ulit ang utak ko para naman hindi ako kulelat lagi. “That’s good then, yung ulo mo kamusta? Masakit pa rin?” Umiling ako, “Hindi na. Sabi ng Doctor pwede ko na daw alisin ang benda after a week.” “Can I see?” Umiling ako, “Ayoko.” “Why?” Pilit akong ngumiti, “Ang pangit eh.” Mukha ako
Read More