Samarah’s POV “Huh? Flatter? Sa bagay wala ka namang dede.” Natampal niya ang noo niya dahil sa sinabi ko. Pasimple akong tuwang tuwa dahil sa pangungunsumisyon niya s aakin. Binilinan ako ni Kim na ‘wag maging marupok at may mga mata daw siya sa paligid. Mahirap nang makalaban si Tombits ano! “Just do it, please?” Tumango na lang ako sa pakiusap niya. Baka umiyak pa, kawawa naman. Bumaba siya ng stage at doon ako pinanood. Ibinaba ko ang suot kong backpack. Inalala ko ang mga pageants ko noon saka ako naglakad. Ang napakaraming tao na nanonood, ang mga banners na may pangalan ko, at ang sigawan ng mga kaklase ko para mag cheer sa akin. Pumunta ako sa gitna ng stage at nagkunwaring yumuko para sa mic. “When beauty, body, and brain collide, I am your undeniable solution. Good morning everyone, I am Samarah Castillo from Grade 10 Labuyo. Na naniniwala sa kasabihang, ‘Do not wait for the doors of opportunity to open. Work in silence, make yourself worthy, and make your own key.
Read more